^

PSN Opinyon

Hindi nagnanakaw ang mayaman? Mali

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ignorante ang nagsasabi na hindi nagnanakaw ang mayaman. Numero unong ehemplo ng kriminal na pa­tuloy nagnakaw si Pablo Escobar. Pitong taon siyang ibi­nilang ng Forbes magazine sa pinaka-mayayaman sa mundo. Nu’ng 1989 ang personal na yaman niya ay $25 bilyon. Lalahok sana sa pulitika, nangako siya na babayaran ang $10-bilyong utang ng bansa. Yumaman siya sa smuggling ng cocaine sa America.

Pito pang gangsters ang yumaman at patuloy na nag­nakaw. Si Al Capone ng Chicago Mafia ay humakot nu’ng 1929 ng $1.3 bilyon (sa pera ngayon) mula sa ilegal na alak, sugal, at iba pang bisyo; 600 ang tauhan niya. Si Frank Lucas $1 milyon kada araw ang kinita sa pagpuslit ng heroin sa America sa loob ng mga kabaong mula Vietnam. Nag-net ng $2.5 bilyon si Griselda “Black Widow­” Blanco bilang hepe ng Medellin Cartel ni Escobar. Ma­tapos patayin ang gang boss niya, naging ikalawang pinaka-mayamang drug lord si Amado Carillo Fuentes ng Juarez Cartel sa Mexico. Binansagan siyang “Hari ng Langit” dahil sa laki ng koleksiyon niya ng eroplano, kabilang ang 22 Boeing-727 na pampuslit ng cocaine sa America. Tinayang $6.7 bilyon ang yaman ni Dawood Ibrahim, swindler na nagpondo ng Mumbai terror attacks nu’ng 1993. Si economics graduate Semion Mogilevich ang pinaka-malalang Russia Mafia boss. Lahat nang ilegal pinasok: droga, murder, putahan, armas, counterfeiting, money laundering. Halaga niya: $10 bilyon. Kinontrol ni Jose Figueroa Agosto ang pasok ng droga sa Puerto Rico, tungong America, mula Dominican Republic. Uma­bot sa $100 milyon ang sinuhol niya para makalabas sa preso sa pekeng release, matapos masentensiyahan ng 200 taong pagkabilanggo. Bahagi ang panunuhol sa busi­ness model nilang lahat.

Natiklo nu’ng 2008 ang pinaka-malaking Ponzi o pyramiding scam sa mundo at pinaka-malalang financial crime sa America. Pinatakbo ito ng mismong chairman Bernie Madoff ng NASDAQ stock market. Nasa deposit niya ang $64.8 bilyon mula sa 4,800 kliyente niya. (Itutuloy bukas)

PABLO ESCOBAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with