^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kabastusan sa learning module

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kabastusan sa learning module

SAGAD sa kabastusan ang taong gumawa ng learning module para sa mga senior high school students. Gumamit siya ng mga pangalang naglalarawan ng kahalayan at kamunduhan. Nararapat na ang taong gumawa nito ay sa mga bastos na babasahin o pornographic nagtatrabaho.

At lalong nakakahiya na isa palang guro ang gu­mawa ng module na ipinamamahagi sa mga estud­yante. Anong klaseng guro ito na ang utak ay may kahalayan at kabastusan. Paano niya naatim na gumamit ng mga pangalan na naglalarawan ng kahalayan. Nakakahiya.

Matindi ang ginawa ng guro sapagkat ang mga pangalan na kanyang binanggit sa modules ay bulgar ang kabastusan at kalaswaan.

Ilan sa mga pangalang bastos na ginamit sa mo­dule ay “Pining Garcia”, “Malou Wang’’, “Abdul Sal­­salani’’, at “Tina Moran”. Ang mga pangalang ito ay may mga kahulugan na hindi nararapat mabasa ng mga estudyante. Nakapagtataka kung bakit ang mga pa­ngalang ito ang naisip ng gumawa ng modules. Hindi na ba siya nakaisip ng desenteng pangalan? Sa mga pornographic materials lamang ginagamit ang mga pangalan na naisip ng gumawa ng modules.

Natunton na nga ang gumawa ng modules. Isa raw itong guro sa bayan ng Palauig, Iba, Zambales. Humingi naman ng paumanhin ang association ng Catholic schools sa Iba dahil sa kontrobersiyal na learning module. Isang guro lamang umano ang gumawa ng module para sa philosophy subject ng mga senior high school students. Inalis na umano ang kontrobersiyal na modules at papalitan na ng bago. Maipapamahagi umano ang bagong module ngayong linggong ito.

Ganito lang ba ang sasabihin nila? Humingi lang ng paumanhin. Dapat sibakin na ang gurong ito ura-urada.

Mabilis namang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na hindi galing sa kanila ang mo­dules. Ga­gawa umano sila ng hakbang para maparusahan ang gumawa ng mga bastos na pangalan sa module. Hindi umano ito mapapalampas ng DepEd.

Nararapat lamang na maparusahan ang gumawa ng learning module sapagkat hindi siya nag-iisip na mga kabataan ang babasa ng kanyang ginawa. Hindi dapat palampasin ang ginawa niyang pambabastos sa module. Hindi na siya dapat humawak ng ganitong kasensitibong trabaho. Nararapat namang pa­ngalanan ang guro na gumawa ng module at tanggalin sa pagiging guro.

ONLINE LEARNING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with