^

PSN Opinyon

Mga nanggugulo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay Carrie Lam, pinuno ng Hong Kong, ang mga kumokontra sa plano ng Beijing na magpanukala ng bagong batas hinggil sa seguridad ng Hong Kong ay mga kalaban ng mamamayan. Nais maglagay ng mga tanggapan ang Beijing sa Hong Kong kung saan sila ang magbabantay sa mga tao o grupo na sangkot umano sa anumang kilos na kumokontra sa China, tingin nila ay terorista o sangkot sa panghihimasok ng ibang bansa. Binatikos ng mga oposisyon ang panukalang batas na kontra umano sa “one country, two systems” na pinagkasunduan noong ibalik ang Hong Kong sa China noong 1997. Ayon sa Beijing at administrasyon ni Lam, ang target ay ang mga “nanggugulo” sa Hong Kong.

 Dito sa atin, nasa tanggapan na ni President Duterte ang bagong Anti-Terrorism Act of 2020 na mabilis ipinasa ng Kongreso sa panahon ng pandemya. Hinihintay na lang lagdaan ni Duterte para maging opisyal na batas. Ayon sa mga kumokontra, masyadong malawak ang kahulugan ng terorismo. Magkakaroon pa ng Anti-Terrorism Council na itatalaga ng Presidente. Ang council na iyan ang magtutukoy kung ang ginagawa ng isang tao o grupo ay maaaring kilos na ng terorista. Maaaring manghuli ang mga awtoridad kahit walang warrant at makulong mula tatlo hanggang 14 na araw. Kaya lahat nakasalalay sa Anti-Terrorism Council na iyan. Sigurado bang patas ang tingin nila sa lahat? O parang si Carrie Lam na ang tawag sa oposisyon ay mga nanggugulo kaya puwedeng bansagan na kalaban ng bansa?

 Tila wala masyadong pinagkaiba ang dalawang batas na hinaharap ngayon ng mga mamamayan ng Hong Kong at Pilipinas. Parehong tinatarget ang mga “nanggugulo” o ang oposisyon. Kung sino ang tinutukoy na nanggugulo ay depende sa gobyerno at maaaring malawak nga. Ang legal at mapayapang pagboboses ng mga nakikitang pagkakamali ng gobyerno ay maaaring bansagan nang tero­rismo. Puwede kang salakayin sa iyong tahanan, tangayin at ikulong habang iniimbestigahan ang iyong ginawa. Sinong hindi matatakot diyan? Paano hindi maaabuso ang kilos ng mga pulis o ibang awtoridad o ng Anti-Terrorism Council mismo kung wala ka palang kalaban-laban kapag binansagan ka nang isang terorista? Mistulang kathang-isip na lang ang karapatang pantao.

Wala naman akong problema kung ang target ng batas­ ay mga tulad ng Abu Sayyaf, ISIS, Maute, NPA at kung ano pang grupo diyan na aktibo sa armadong pagbabagsak ng gobyerno. Pero kung sa hinalang terorista pa lang ay pwede nang gawin ang paghuli at pagkulong sa iyo? Nasaan nga ang karapatan mo na garantisado dapat sa ilalim ng ating Saligang Batas?

CARRIE LAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with