^

PSN Opinyon

Siniraan si Yorme (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

BANDANG huli, inamin ni Pablo na siya ang sumulat ng suicide note at nagpakalat nito sa mga diyaryo sa bayan at sa buong bansa. Inamin niya na nagpanggap siya bilang “Roberto Rivera” at nagpakuha ng litrato na kunwari ay nakabigti sa isang puno. Kinasuhan siya ng libel alinsunod sa batas (Art. 142 Revised Penal Code).

Matapos ang paglilitis, napatunayan na nilabag ni Pablo ang batas. Hinatulan siya at kinatigan din ng Court of Appeals ang desisyon ng mababang hukuman. Tama ba ang korte?

TAMA. Ang suicide note ay patunay ng libelo na ginawa ni Pablo laban sa isang opisyal ng gobyerno. Tinawag niyang mandurugas at hindi tapat sa tungkulin ang mayor. Ipinakikita nito na hindi siya kuntento sa pagiging tapat sa mga nasa katungkulan sa gobyerno.

Ang mga sulat na nagpapahayag ng pag-aaklas sa mga awtoridad o nagpapahina sa kumpiyansa ng mga tao sa gobyerno at laban sa katahimikan ng komunidad ay ipinagbabawal sa batas. Pinarurusahan ito dahil ginugulo nito ang maayos na takbo ng ating gobyerno. Lahat ng mga seksyon at institusyon ng gobyerno ay may ginagampanan na tungkulin sa ating bansa at dapat na ipagtanggol pati igalang. May kanya-kanyang kahinaan man ang mga sangay ng gobyerno ay dapat pa ring respetuhin. Lahat nang masasakit na pananalita, pagmumura at paninira ay dapat bantayan at may basehan.

Ang freedom of speech sa ating Saligang Batas ay hindi ganap na karapatan na magsalita o magpalathala ng walang pakundangan. Hindi ito ganap na lisensiya na magbitaw ng kahit anong salita laban sa iba.  Maaaring maparusahan ang paglabag o pag-abuso nito.

Ang pinarurusahan sa ilalim ng Art. 142 ng RevisedPenal Code ay ang anumang libelo na ginawa hindi lang sa gobyerno kung hindi pati ang mga nasa katungkulan dito (Espuelas vs. People, G.R. L-2990, December 17, 1951).       

ROBERTO RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with