^

PSN Opinyon

Reklamo sa social amelioration dagsa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Dagsa pa rin ang reklamo ng maraming mamamayang nagsasabing napagkakaitan sila ng naturang tulong. Mabuti pa raw ‘yung mga may kaya ay naaabutan, pero ‘yung totoong nangangailangan ay hindi.

Bakit nagkakaganyan? Napanood ko sa TV ang isang matandang mahigit 70-anyos na pumila para makakuha ng social amelioration card at dahil sa mahabang pila na labag sa social distancing at sa init ng katanghaliang tapat ay tumataas ang presyon ng dugo at namatay. 

Sa ilalim ng General Community Quarantine ay pinagbabawalan ang mga senior citizens na lumabas pero bakit pinababayaang pumila ang mga matatanda para makakuha ng mailap na ayuda? Bakit hindi na lang magbahay-bahay upang ibigay ang mga application forms?

May mga napapabalita pa na ang mga social amelioration cards ay ibinebenta sa mga gustong mapabilis ang pagkuha nito. Dapat marahil magsiyasat nang mabuti ang Department of Social Welfare and Development sa mga reklamong ito. 

Si Mr. Ferdinand Acot Suba ng Nueva Ecija ay isang Facebook friend at follower na may ganitong hinaing. Isa lamang siyang trike driver na unang nakalista sa master-list ng mga dapat bigyan ng ayuda. Sa dakong huli ay naglaho ang kanyang pangalan sa listahan. 

Kaya tinatawagan  natin ng pansin si Chairman Librado Dulay, Barangay Abar 1st , San Jose City, Nueva Ecija gayundin si DSWD OIC Ma.Lourdes S. Medina San Jose City. Sana ay tingnang mabuti ang ganitong mga kaso dahil malinaw ang sinabi ng Pangulo na ang ayuda ay para sa lahat.

REKLAMO

SOCIAL AMELIORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with