Sa aming nayon may isang grupo...
NU’NG dekada-’70-’80 naging pangsukat ng sigla ng ekonomiya sa kanayunan ang pag-inom ng serbesa. Kapag masagana ang ani ng palay at mais, at mataas ang presyo ng kopra, nagkakapera ang magtatanim para sa class na inumin. Kumalat ang kuwento: “Sa aming nayon may isang grupo, uminom, e lasing; pati ako lashing, pati ikaw lashing; sige enom na!” Ang mga unang letra sa bawat salita du’n ay ini-spell ang “San Miguel Pale Pilsen”. Ang pulutan ay crispy pata. Kapag bagsak ang kita sa bukid, balik ang mga tao sa gin o rhum, at “pulutan na sipol”, sa tindi ng guhit sa lalamunan. Kapag katamtaman ang kita, nagiging paborito ang BGC, o pinaghalong beer-gin-coke. Ngayong modernong ekonomiya, ang ibig sabihin na ng BGC ay Bonifacio Global City.
Dahil pangunahin sa tao ang kabuhayan, kalusugan at kasiyahan, natural na matindi ang impluwensiya nito sa wika. Sumisibol ang mga bagong kataga dahil sa ekomiya at teknolohiya, medisina at pagpapaganda, media at komunikasyon. Nu’ng dekada-’90 kumalat ang sakit habang maraming nagka-magarang kotse. Tinawag na HIV at BMW pangtukoy sa nakakalbo: “hair is vanishing”, “buhok mo wig”. Pinauso pa ni sikat na brodkaster “Lakay” Deo Macalma ang umano’y salitang Ilocano para sa “traffic”: “bumperrr-to-bumperrr”.
Bilingual karamihan ng Pilipino, laki sa mga salitang katutubo at Inggles. Kaya ang mga joke natin ay palipat-lipat din sa dalawang wika. Ito raw ang ibig sabihin ng mga salitang: contemplate, kulang ang pinggan; punctuation, pera para maka-enrol; deposit; gripo; devastation, sakayan ng bus; cattle, doon nakatira ang hali at leyna. O kaya gamitin ang salita sa pangungusap: deletion, da balat of deletion is very crispy; cadet, sino cadet mo kagabi; dilemma, brownout a; delusion, kapag maluwang ang damit e delusion; devalue, yon ang susunod sa letrang V.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest