^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Delikado pa sa volcano island

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Delikado pa sa volcano island

HINDI pa inaalis ang alert level 3 sa Taal Volcano at ang sabi ng Philippine Institute of Volcano-logy and Seismology (Phivolcs), delikado pa ito at maaaring pumutok. Mayroon pang aktibidad ang bulkan sapagkat nakikita ang pagbuga ng maitim at maputing usok sa crater nito. Kasunod ng pagbuga ay ang mga pagyanig na nararamdaman sa mga bayan na nakapaligid sa volcano island.

Nakapagtala ang Phivolcs ng 134 volcanic earthquakes mula noong Linggo. Ang mga pagyanig ay palatandaan na umaakyat ang magma sa bulkan at may posibilidad nang muling pagsabog. Naramdaman ang mga pagyanig sa mga bayan ng Laurel, Agoncillo at Lemery at gayundin sa lungsod ng Tagaytay.

Sumabog ang Taal noong Enero 12 at sapilitang lumikas ang may 370,000 katao. Maraming bahay ang nasira dahil sa makapal na abo na ibinuga ng bulkan. Umabot naman sa P3.2 bilyon ang halaga ng mga napinsala sa agrikultura. Maraming hayop ang namatay at ang ilan ay kasalukuyan pang nasa isla.

Nananatili naman sa evacuation centers ang mga tao at mahigpit pa ring pinagbabawalan na bumalik sa isla ng bulkan. Maski ang mga na­ka­tira sa sakop ng seven kilometer radius ay hindi pinapayagang makabalik dahil sa peligrong mangyari. Ayon sa Phivolcs, posible ang malakas at mapaminsala pang pagsabog kaya hindi dapat bumalik ang mga residente.

Kamakalawa, sa isang TV report, nakita ang mga tao na nasa volcano island. Nakalusot ang mga ito sa mga nagbabantay na pulis. Ang ilan ay nakikitang hinahango ang mga alaga nilang tilapia. Ang iba ay pinaliliguan ang mga kabayo at ang iba ay hinahanap ang mga alagang baboy. May nakita ring hinuhukay ang kanilang mga bahay na nalubog sa makapal na abo.

Huwag hayaang makabalik ang mga residente sapagkat napakadelikado pa. Sundin ang utos ng Phivolcs sapagkat nalalaman nila ang aktibidad ng bulkan. Kapag sumabog ito tiyak na maraming mapapahamak. Mas mabuti nang nag-iingat. Hintayin ang abiso ng Phivolcs.

TAAL VOLCANO

VOLCANO ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with