^

PSN Opinyon

Hustisya nawawalan ng bisa kung mabagal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon, mula promulgation nu’ng Dis. 19, 2019, usap-usapan pa rin ang paglilitis sa Maguindanao massacre. Pinupuna ang kabagalan ng hustisya kaya nawa­walan ng bisa.

Inabot nang sampung taon ang kaso. Nob. 23, 2009 nu’ng harangin ang convoy ng mga babaeng Mangudadatu at abogada, at media men. Pati mga nadamay na motorista. 58 silang binihag ng Ampatuan political warlords, pinagbabaril sa sasakyan, at ibinaon sa hukay.

Ilang linggo ang lumipas bago mag-martial law ang Malacañang sa Maguindanao. Nakapagtago ang maraming sa­larin. Ilang linggo pa bago ma-identify ng pulis at mailista ng National Prosecution Service ang mga sakdal.

Nagka­roon ng pagkakataon ang masterminds na takutin o suhulan ang mga saksi. “Partial verdict” ang itinawag ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa promulgasyon dahil 80 pa sa 105 na sakdal ang hindi nahuhuli para ma-arraign at litisin. Pangako ng National Police na paiigtingin ang manhunt -- na dapat lang para mapawi ang hinala na pinoprotektahan nila ang mga sakdal na kauniporme.

Nagpabagal sa paglilitis ang delaying tactics ng mga salbaheng abogado. Nagkaroon pa nga ng pagkakataong alukin ng P300-milyong suhol si private prosecutor Nena Santos para ilaglag ang kaso.

Pati mga kamag-anak ng 37 biktima na ipinaglalaban niya ay tinangkang suhulan para baliktarin ang mga testimonya. Buti na lang matatag ang hangad nila sa katarungan. Kundi’y nasira ang kaso ng iba pang mga minasaker. Dapat ipulido ng Korte Suprema ang rules at procedures. Sa mauunlad na bansa, pinarurusahan ang mga abogadong nanggugulo ng proseso.

Dahil sa tagal ng paglilitis, marami ang naagrabyado. Una na si Judge Reyes, na naudlot ang aplikasyon noon pang 2009 na ma-promote sa Court of Appeals. Kawawa rin ang dalawang dosenang sakdal na ipiniit nang isang dekada, tapos wala naman palang sala. Kinamatayan na ni Gov. Andal Ampatuan Sr. ang kaso kaya hindi inabot ang pasya.

AMPATUAN

CONVOY

NATIONAL PROSECUTION SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with