Maging handa
Kahit sa Middle East nangyari ang drone attack ng United States na ikinamatay ni Iranian General Qassem Soleimani, chief of Tehran’s elite force, hindi malayong magkakaroon ng kahit paano’y kaunting kaguluhan din dito sa ating bansa bunsod ng pangyayari.
Ang strike ay ipinag-utos ni US President Donald Trump noong Biyernes. Dahil sa nangyari, nariyan ang pangamba ng retaliatory attacks ng Iran at Iraq laban sa US. Kasabay na rin ang mga kaalyado ng mga ito.
Pinayuhan na ng US Embassy sa Baghdad ang lahat ng American citizens sa Iraq na agarang umalis doon.
Tiyak paiigtinging maigi ng ating security forces ang pagbabantay sa lahat ng panig ng bansa lalo na sa patuloy na problema sa katimugan dahil nga sa ISIS-affiliated local groups.
Hindi naman masama kung tayo ay maging handa at mapagmatyag din sa ating kapaligiran.
Maging handa rin tayo sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng panibagong kaguluhang ito.
Kaya lahat ay nakaabang sa anumang mangyayari sa mga susunod na araw.
- Latest