Manhid ang inyong kamay? Carpal tunnel syndrome ‘yan
KAPAG ang ugat sa kamay ay sobrang pressure, naiipit, nababarahan at namamaga, magreresulta ito sa pamamanhid. Iyan ay tinatawag na carpal tunnel syndrome.
Kung hindi ito gagamutin, posibleng permanenteng masira ang ugat at kalamnan (muscle).
Ang mga dahilan sa pagkakaroon ng carpal tunnel syndrome ay ang mga mabibigat na trabaho, pressure sa ating palad at ang paulit-ulit na pagbubuhat ng mabibigat at matinding pagkilos ng kamay.
Mga sintomas ng carpal tunnel syndrome:
l Tingling o pamamanhid ng hinlalaki, hintuturo, gitnang daliri at palasingsingan. Hindi kasama ang maliit na daliri.
l Ang ganitong pakiramdam ay nararanasan sa gabi at paggising. Gayundin habang nagmamaneho, may hawak na telepono o diyaryo.
l Pakiramdam na parang nanghihina ang mga kamay kaya may pagkakataon na nabibitawan ang hawak.
Tips sa carpal tunnel syndrome:
l Ipahinga ang kamay – Sa bawat oras ng trabaho, magpahinga ng kahit 5 minuto, dahan-dahang i-stretch ang palad at kamay.
l Baguhin ang mga gawain – Mas mabuti kung baguhin o ibahin ang mga gawain kung ito ay posible.
l Ideretso ang kamay – Iwasang baluktutin ang palad ng pataas o pababa. I-relax o huwag masyadong higpitan ang paghawak. Iwasan.
l Humawak nang mahigpit – Ito ay kung nagmamaneho, nagbibisikleta at nagsusulat.
l Lagyan ng hot compress ang kamay – Puwede ring magsuot ng gloves para mapanitiling mainit ang kamay at palad.
l Gumamit ng wrist splint sa gabi para deretso ang porma ng kamay – Ang wrist splint ay nakatutulong mabawasan ang sakit o pamamanhid ng palad at kamay. Ang splint ay dapat na hindi sobrang sikip. Ayaw nating naka-baluktot ang kamay dahil naiipit ang nerve.
l Kung ang sintomas ay lumalala, magpatingin sa doktor. Ang splints, therapy o injection ay puwedeng irekomenda ng doktor. Kung nawawalan na ng lakas ang kamay, puwede itong operahan kung kinakailangan.
- Latest