^

PSN Opinyon

PNP, ano meron sa departure area ng BI

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang ginagawa ng mga pulis sa immigration departure area ng Panglao International Airport?

Sabi nga, halos nagsisiksikan sila dito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi nga, para silang naka-terminal dito?

May barker din kaya?

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit sila dito nakatambay sa departure immigration counters?

Ika nga, nakakagulo kaya sila dito?

Ano sa palagay ninyo?

Siguro alam naman nilang restricted ang immigration area porke mga pasahero lamang at mga taga- immigration ang puwedeng kumalat-kalat dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa NAIA international terminals, may sariling daanan ang mga empleyado ng airport including PNP dahil hindi sila puwedeng dumaan sa gitna ng immigration area of operations lalo’t may mga international passengers.

Parang nakakagulo pa sila sa pila ng mga departing passengers going abroad?

Ano kaya ang ginagawa nila dito sa immigration departure area?

‘Escort service ba sila?’ tanong ng kuwagong SP0 - 10 sa Crame.

Ano sa palagay mo PNP - ASG Brig. Gen. Arnel Escobal, Sir?

Ang 30th SEA Games, bow! 

MAGANDA ang naging opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena kaya naman sangkatutak na madlang people ang humanga dito.

Sabi nga, may mga napaindak pang mga foreign officials sa kanilang na eye witness. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panay ang paninirya ng ilang kritiko sa ilang organizers ng SEA Games dahil palpak daw kasi.

Sabi nga, ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC na ang chairman ay si House Speaker Alan Peter Cayetano. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati daw si Press Secretary Salvador Pa­nelo ang nagsabing tama lang daw na batikusin ang paghahain este mali paghahanda pala dahil may mga mali umano sa preparasyon ng SEA Games?

Ano kaya ‘yon?

Ika nga, kahit pa kaalyado o kagrupo ni Boss Digong basta may iregularidad tiyak sabit?

Naku ha!

Tama lang naman kung mayroon.

May bumuwelta naman kay Panelo na dapat daw kasi nag-iingat ito sa mga bayag este maling pahayag pala na binibitiwan niya kasi nga naman imbes na ituwid ang mali ay mukhang nababa­luktot pa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa napanood ng madlang people sa opening ceremony sa Philippine Arena ng Sea Games, marami ang namangha at nasiyahan dahil ubod naman talaga ng ganda ang preparasyon ginawa ng mga organizers kahit binibira ang huli ng mga kritiko.

Sa madaling salita sangkaterba ang napa­nganga at bumilib!

Korek ka dyan, Kamote.

BI

NAIA

ORA MISMO

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with