^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Suporta sa mga atleta ang mahalaga

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Suporta sa mga atleta ang mahalaga

Bukas ay opisyal nang magbubukas ang 30th Southeast Asian Games. Dito na magsisi­mula ang pakikipagtagisan ng lakas ng mga atle­tang Pinoy. Magpapakita na sila ng angking husay sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Ibubuhos na lahat para makakuha ng inaasam na medalya. Hihigitan ang mga nakamit sa nakaraang Asian Games. At ang panalo nila ay panalo rin ng bansa. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay ng bawat Pilipino.

At magkakaroon lamang ng inspirasyon ang mga atletang Pinoy kung lubos silang susuportahan ng mga kababayan. Walang ibang mag-aa­ngat sa kanila kundi ang mga kababayan. Lubos silang maniniwala sa kakayahan kung ibubuhos ng sambayanan ang pagkilala sa kanilang kaka­yahabn. Mahalaga na ipagsigawan ang walang hanggang suporta sa kanila. Makakaya nila kahit gaano pa kahirap ang pakikipagkumpitensiya.

Itigil na muna ang pagsisisihan o pagtuturuan at sa halip magtulung-tulong para ganap na maisaayos ang lahat ng gusot. Saka na lamang magkaroon ng imbestigasyon sa sinasabing mga pagkukulang, kawalan ng koordinas­yon, kulang sa pagkain, tirahan at ang sinasabing katiwalian. Maari naman itong gawin pagkaraan ng event. Saka na lamang ito pagtuunan ng pansin.

Ang mahalaga ay maipakita ang pagkakaisa. Sinasabing ang pagkakaisa sa panahon nang paki­kipagkumpetensiya ay mahalagang sangkap para sa ikapagtatagumpay ng sinuman. Marami na ang nagtagumpay dahil sa pagsasama-sama at pagtutulungan.

Ibigay ang todong suporta sa mga atletang Pinoy. Makakaya nila dahil marami ang dumadalangin sa kanilang tagumpay. Ang panalo nila, panalo nating lahat.

vuukle comment

ATHLETA

SUPORTA

SUPORTA SA ATHLETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with