^

PSN Opinyon

DENR tutuldukan ang illegal mining

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PRAYORIDAD ng Department of Environment and Natural Resources na tuldukan ang ilegal na pagmimina sa ating bansa na perhuwisyo sa inang-kalikasan. Dapat lang dahil hindi na masukat ang pinsalang dulot nito lalu na sa mga residents ng mga lugar na may illegal at iresponsableng pagmimina. Wika nga ni Atty. Wilfredo Moncano, Director ng Mines and Geoscience Bureau (MGB), walang puwang sa bansa ang ganitong aktibidad. Nauna nang naghayag ng galit ang Pangulong Duterte sa pag-iral ng illegal mining sa bansa kaya pursigido ang DENR na wakasan ito.

Ayon kay Moncano, ito ay alinsunod sa isang matagal nang kampanya ng MGB upang paigtingin ang maayos na rehabilitasyon ng mining sites at pangangalaga sa kalikasan ng Philippine mining industry. Aniya, nagpatupad na ang MGB ng mga bagong polisiya para rito katuwang ang pambansang pulisya at iba pang law enforcement agencies.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, inilunsad ng MGB ang National Task Force Mining Challenge (NTFMC) noong January 16, 2018 upang itigil ang iligal na pagmimina sa bansa. Ani Moncano, ang NTFMC ay nagsisilbing Environmental Enforcement Task Force. 

Nagtatanod na rin ang MGB laban sa paglabag sa mga batas na may kaugnayan sa pagtotroso, agrikultura, wildlife protection, at iba pa.

Layunin din ng MGB ang ibaba ang bilang ng mga iligal na mining operators sa pamamagitan ng mga Mina­hang Bayan.

Sa ilalim ng People’s Small-Scale Mining Act, ang Minahang Bayan ay kooperatiba ng mga small-scale mines na nakikipagtulungan para sa mas mainam na operasyon katuwang ang pamahalaan.

Higit pa sa Minahang Bayan, hinihikayat din ng pamahalaan na sumunod ang mga small-scale mining operators sa mga regulasyon at pumasok sa ligal na merkado sa pamamagitan ng pag-waive ng buwis sa ginto.

“We tried taxing before,” ani Moncano, “But that resulted in a 99% drop in domestic gold purchases.”

“We really must be more collaborative,” paliwanag niya. “We can’t just tax and punish, we have to reward also, in order to strengthen our environmental protection and management of the mining industry,” dagdag ni Moncano.

ILLEGAL MINING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with