^

PSN Opinyon

EDITORYAL - No way sa ATM fee increase

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - No way sa ATM fee increase

MABUTI naman at maagang nagpasya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi nila pagbibigyan ang kahilingan ng mga banko na mag-increase ng charges para automated teller machine (ATM) transactions. Sa pagdinig sa Senado noong Lunes, sinabi ng isang BSP official, na marami silang tinanggap na requests para magtaas ng ATM charges pero lahat ito ay hindi nila pinagbigyan. Sabi ni BSP ma­naging director Vicente de Villa III, walang pagtataas ng ATM charges. Hindi raw reasonable ang hinihingi ng mga banko na P20 bawat transactions mula sa dating P10 at P15. Ang pinaka-reasonable increase ayon sa BSP official ay P1 hanggang P3. 

Makakahinga na nang maluwag ang mga magwi-withdraw sapagkat BSP na ang nagsabi na walang pagtataas ng ATM charges. Kung hindi agad ito na­aksiyunan ng BSP, ang labis na tatamaan ay ang mga kakaunti ang sinusuweldo at wini-withdraw sa ATM. Sa request kasi ng mga banko, ang dating P10 na transaction fee para sa single withdrawal ay magi­ging P20 at ang balance inquiry na P1 ay magi­ging P2. Karamihan sa mga nagtatrabaho sa factory o maski ang mga “endo” ay naka-ATM na rin kaya malaki ang mababawas sa kakarampot na suweldo. Ang kikita rito ay ang mga banko sapagkat bawat pagwi-withdraw, kaltas agad ang P20. Parang naholdap ang nagwi-withdraw.

Tutol ang Department of Trade and Industry (DTI) sa balak na pagtataas ng ATM fee. Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, hindi dapat ipasa sa customers ang adjustment. Hindi aniya ito makatwiran. Sabi naman ng grupong Partido ng Manggagawa (PM), mistulang “highway robbery” ang gagawin ng mga banko sapagkat makakaltasan pa ang kakarampot na kinikita ng mga minimum wage earners. Sa withdrawal fee na lang anila mapupunta ang kinikita ng mga manggagawang kakarampot ang kinikita.

Ayon sa report, naisip ng mga banko ang pagta­taas ng ATM fees makaraang alisin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang anim na taong moratorium sa dagdag na singil. Karaka-raka, 50 porsiyento agad ang naisip nilang ipataw sa ATM fees.

Mabuti na lang at ang BSP na mismo ang “bumaril” sa balak ng mga banko. Hindi talaga maka­t­wiran at reasonable ang hinihiling nilang pagtataas sa ATM charges. Sa nangyaring pag-denied sa request ng mga banko, mapapayapa na ang mga nagwi-withdraw sa ATM.

ATM FEES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with