Pondo ng local govts lolobo simula 2022
SIMULA 2022 lolobo ang pondo ng mga probinsiya, lungsod, munisipyo, at barangay. Kaya dapat mahuhusay ang iluluklok na mga opisyales. Sa paghawak nila ng pondo mapapaunlad ang mga pook o malulustay ito.
Pinal na ang pasya ng Korte Suprema ukol sa Internal Revenue Allotments (IRA), na parte ng local government units sa pambansang koleksiyon ng buwis. Hindi raw ito limitado sa nakokolekta lang ng Bureau of Internal Revenue. Kasama raw ang iba pang pondong hinahakot ng national government. Kabilang dito ang:
l Lahat ng uri ng national internal revenue taxes na kinokolekta ng BIR at Bureau of Customs;
l Tarrifs at duties na kinokolekta rin ng BoC;
l 50% ng value-added taxes na nakokolekta sa Autonomous Region for Muslim Mindanao, at 30% ng iba pang mga pambansang buwis na nakokolekta sa ARMM. Ang 50% ng VAT at 70% ng iba pang pambansang buwis ay mapupunta sa ARMM lamang;
l 60% ng pambansang buwis mula sa paggamit ng likas na yaman. Ang 40% nito ay para sa eksklusibong gamit ng LGUs kung saan ito;
l 85% ng excise taxes mula sa lokal na Virginia tobacco at iba pang produktong tobacco. Ang 15% ay para sa special purpose funds ng batas hinggil sa tobacco manufacture;
l 50% ng iba pang buwis sa National Internal Revenue Code; at
l 5% ng 25% franchise taxes ng national government mula sa utilities ng tubig, kuryente, telecoms, broadcast media, sugalan, at iba pa.
Aba’y baka sampung beses ang ilalaki ng IRA ng mga lokal.
Hindi na kailangang baguhin pa ang Konstitusyon nang federal. Matutupad na, sa pasya ng Korte Suprema, ang pinaka-buod ng pederalismo. Ito ang mas malaking parte ng mga lokal kaysa national.
* * *
Makinig saSapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest