^

PSN Opinyon

Dengue outbreak nakababahala na

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NATUNGHAYAN natin sa nakaraang SONA ni Pres. Digong Duterte ang kanyang mga natapos at tatapusin pang mga proyekto at ipapasang batas sa bansa. Marami ang nabitin sa halos isang oras at kalahati niyang talumpati. Mukhang meron siyang mga nakalimutang sabihin at ‘yan ay ang dengue. Hindi ito dapat pinalampas ng Presidente dahil nakababahala na ang mga bilang ng mga pasyente at namamatay nating mga kababayan.

Noong nakaraang linggo, nagdeklara ang Department of Health (DOH) ng National Dengue alert dahil umabot na sa 116,000 at patuloy pang nadadagdagan ang mga pasyenteng may dengue. Karamihan sa tinamaan ay sa Western Visayas. Hindi na magkandaugaga ang mga doctor at nurses sa kanilang mga pasyente. Punumpuno na ang mga hospitals at nagsisiksikan na rin pati health centers. Meron na rin silang mga tent at ginagamit na rin ang mga basketball court para sa mga pasyenteng may dengue. Umaaray na rin sila dahil kulang na ang doctor at nurses na tutulong sa mga pasyente.

Buong bansa ngayon ay may kaso ng dengue dahil nga panahon na tayo ng tag-ulan, dangan nga lamang ang Western Visayas ang may pinaka-maraming tinamaan kaya sa kanila nakasentro ang balita. Karamihan sa mga pasyente ay mga sanggol at estudyante. Madalas nakukuha ang dengue sa eskuwelahan. Dapat sana gawin munang long pants para sa mga babae imbes na palda habang tag-ulan upang makaiwas sa kagat ng lamok.

Kung hindi lamang sana naintriga ang Dengvaxia ay wala sana tayo sa dengue outbreak ngayon. Kung maalala n’yo, nagkaroon din ng measles outbreak dahil natakot ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil nga nag-ingay si PAO chief Persida Acosta. Walang kinahinatnang mabuti ang pag-iingay niya kundi ito. Tayo ngayon ang dumadaan sa matinding pagsubok. Natameme ka ngayon, Persida Acosta.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NATIONAL DENGUE ALERT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with