^

PSN Opinyon

Ang tunay na Speaker

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG pagpili ng Speaker of the House ay gaya rin ng pagboto sa ibang elective officials. Bukod sa mahusay at may kakayahan, hindi ito puwedeng diktahan ng sino man o ano mang outside force. Ngunit papaano kung ang isang kandidato sa pagka-speaker ay kontrolado ng isang impluwensyal na tao?

May naririnig tayo tungkol kay Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na laging ipinagmamalaki ang uma­no’y pagiging close kay Presidente Duterte at buong first family, gayung binigyang diin na ng Pangulo na tala­gang hindi siya makikialam sa pagpili ng Speaker porke lahat sila ay kaibigan niya.

Hindi tuloy nakapagpigil si House Majority Leader Fre­denil Castro na sabihing “political pickpocketing” o puli­tikal na pandurukot ang ginagawa ni Velasco. Kahapon, Ibinalita sa radio,television at diyaryo na talagang hands-off si Duterte sa pagpili ng House leader. Ibang klaseng koneksyon pala ang hawak ni Velasco. Hindi si Presidente kundi ang bilyonaryong negosyante na si Ramon Ang. 

Kung ito’y totoo, peligroso ang speakership position­. Bakit? Si Ang ay maraming isyung pangnegosyo na ki­na­­­kaharap sa administrasyon. Hinihintay ni Ang na umu­sad sa Department of Transportation ang plano niyang magtayo ng New Manila International Airport sa Bulacan. May kinakaharap ding problema ang South Premiere Power Corp. ni Ang na siyang namamahala sa Iligan Power Plant sa Batangas. Ito ay dahil sinisingil ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) ng P19.75 bilyon na utang ang naturang businessman na ayaw umano nitong bayaran.

May mga negosyo rin siyang pinoprotektahan sa imprastraktura, semento, information technology at iba pa.  Kailangan ni Ang ang political connection para maprotektahan ang kanyang mga negosyo.

Logically, magiging malakas na puwersa si Ang kung may impluwensya siya sa Kamara de Representante. Ang pinakamabilis na paraan para gawin ito ay suportahan ang nag-aambisyong maging Speaker na malapit sa kanya. Kaya kung magtatagumpay si Velasco bilang Speaker­, laking­ tuwa sigurado ni Ang. Pero ang tunay na koneksyon ni Ang ay kay Mrs. Wen Velasco. Kaya kung may “payo” si Ang kay Wen, ibubulong naman ito ni Wen kay Lord.  Kaya, sino ang tunay na speaker?

vuukle comment

LORD ALLAN JAY VELASCO

SPEAKER OF THE HOUSE A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with