^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura ng Canada nasa Pilipinas pa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura ng Canada  nasa Pilipinas pa

HINDI natupad ang taning na bago mag-Mayo 15 ay maibabalik na sa Canada ang basurang dinala sa bansa noong 2013 at 2014. Puro pangako lang ang Canadian leader na sosolusyunan daw ang problema. Walang isang salita si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Dahil walang nangyayaring pagbabalik ng basura sa Canada, ni-recall na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador ng Pilipinas sa Canada at iba pang diplomat noong Biyernes. Kinabukasan, nasa bansa na ang ambassador bilang pagsunod kay DFA Sec. Teddy Locsin. Darating na rin ang mga consul at pati ang Labor attaché sa Canada ay nire-recall na rin.

Isang araw makaraang makauwi ang ambassador ng Pilipinas, nagpahayag naman ng pagka-disappoint ang Canada sa mabilis na aksiyon ng Pilipinas. Gumagawa naman daw sila ng paraan upang masolusyunan ang isyu sa lalong madaling panahon. Nakikipag-ugnayan na raw sila sa Philippine authorities ukol dito.

Ganito rin ang sinabi ni Trudeau noong Nobyembre 2017 nang magtungo siya sa bansa para sa APEC summit. Nag-usap sila ni President Duterte at sinabi ng Canadian leader na aaksiyunan na ang problema sa mahigit 100 containers ng basura na binubuo ng mga household at hospital wastes. Subalit walang natupad sa sinabi ni Trudeau.

Sa galit ni Duterte, nasabi niya sa Canada na huwag gawing basurahan ang Pilipinas. Inatasan naman ng Department of Finance ang Customs na ibalik ang mga basura sa Canada bago ang Mayo 15. Walang nangyari sa taning sapagkat hanggang ngayon, nasa bansa pa ang basura.

Tama lamang na pauwiin ang mga diplomat sa Canada para malaman na hindi nagbibiro ang Pilipinas sa isyu ng basura. Maaaring binabalewala ni Trudeau ang bantang giyera ni Duterte at ang pananakot na hahakutin sa Canada at ikakalat sa beaches doon. Ngayong na-recall na ang mga diplomat, si­guro naman matatauhan na ang Canada at kukunin na ang kanilang basura.

Huwag gawing basurahan ng Canada ang Pilipinas. Alam naman ng Canada na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala na basura sa ibang bansa. Isa sila sa lumagda sa Basel Convention ukol sa batas na ito. Huwag tantanan ang Canada hangga’t hindi naibabalik ang kanilang basura.

CANADA TRASH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with