^

PSN Opinyon

Mga kapit sa patalim na manggagawang Pilipino

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ARAW-ARAW, dagsa ang dumarating na mga nagrereklamo sa BITAG Action Center. Karamihan sa kanila, mula pa sa malalayong probinsiya kaya’t sinisiguro kong ako mismo ang humaharap sa kanilang lahat.

Halos 80% ng mga taong ito, may kinalaman sa labor. Kung hindi kadupangan ng mga employer na ‘di nagbabayad ng benepisyo ay mababang pasahod.

Iba’t ibang personalidad, iba’t ibang kompanya pero iisa lang ang tono ng reklamo’t sumbong.

Minsan nakakarindi na, kadalasan ay nakakaumay na pero hindi kami puwedeng magsawang tumulong dahil eto ang sinumpaan naming tungkulin sa Bitag Multimedia Network, sa ngalan ng serbisyo publiko.

Subalit may mga pagkakataong naaabuso ang mga sitwasyong ganito. Lalo sa mga manggagawang security guard. Magsusumbong sa BITAG o sa SOSIA, tutulungan namin, makakakita ng bagong trabaho, magkakaroon ulit ng problema babalik sa amin sa parehong sumbong.

Ang punto ng BITAG, tayo mismong mga manggagawa ang makakaiwas sa problema. Sa panahon pa lamang ng pag-aaplay, kung alam ng mababa ang pasahod, ‘wag na sanang tanggapin pa.

Hindi naman siguro pinilit o tinakot ang isang aplikante na tanggapin ang trabaho sa kakarampot na sahod. Malaya tayong makapagdesisyon sa pagkakataong iyon. Ang masaklap na katotohanan lamang, marami ang kapit sa patalim. Susunggab ng kahit na anong trabaho, kahit magkano ang kita, makapag-hanap buhay lang.

Sa lagay ng mga security guard, may mga kapit sa patalim ding ahensiya na tumatanggap ng maliit na bayad ng kanilang mga manggagantsong principal o kliyente. Kaya ang naghihirap, mga sekyung nagpapagod, nagpupuyat at nalalagay sa alanganin ang buhay.

Ang ahensiya naman ng ating gobyerno, kailangan na rin ng mas matindi at makamandag na pangil. Pahaba na nang pahaba ang linya ng mga naaabusong manggagawang Pilipino sa inyong mga tanggapan.

Eto ang saysay namin sa BITAG bilang Pambansang Sumbungan. Layunin namin ang maging kabahagi ng pagbabago. Kailangang mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko.

May maganda at kaaya-ayang resulta sa isang matalinong desisyon. Pag walang guwardiyang tatanggap  ng mababang sahod, walang mabubuhay na security agency na barat.

Dahil kung paulit-ulit ang problema na tila walang katapusan, maya’t maya ang sumbong na iisa lang ang tono, magmumukha na kaming Pambansang Muchacho.

Hindi ganito ang serbisyo publiko ng BITAG. Our goal is to encourage, inspire and to empower. Hindi basta mambrusko lang ng mga inirereklamo.

BITAG ACTION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with