Tama na, sobra na
MAY lihim na pera-perang operation pala r’yan sa may Mactan International Airport, tungkol sa ginagawang kalabit-pahingi ng mga korap immigration officers na mga anay sa gobierno ni Boss Digong.
Sabi nga, mga Chinese at Korean nationals ang umano’y pinipiga?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ibinulong sa atin ang lihim ng Guadalupe este mali ng operasyon pala ng grupo nina alias Ricky kung tawagan ay ‘the living dead’ tungkol sa galaw nila sa Chinese at Korean nationals na kanilang pinagkakakitaan.
Ayon sa tawas este mali bulong pala, may mga advance masterlist na hawak ang grupo ng mga kamote sa dumarating na mga parokyano nila sa Mactan International Airport.
Isang casual employee diumano ang nagsisilbing escort o nagpa-facilitate sa queing ng mga Chinese na nasa listahan nila at idaraan sa tinatawag na gunners o assigned korap immigration officers na pipilahan ng kanilang bitbit na kliente?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Mata sa mata ang senyasan na nangyayari sa pagitan ng gunners at ni alyas Ricky ‘the living dead’ kung talagang may timbre o nasa masterlist nila ang bitbit ng casual employee na miembro ng ‘escort with a fee’ group?
Sabi sa bulong kung may ‘go signal’ tuloy ang processing sa Chinese at kung wala naman mag-aantay ng halos isang oras para sa tawag mula sa ‘outside player’ for verification.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi sa bulong, kung may tumawag kay alyas Ricky ‘the living dead’, ang Chinese ay paaalisin kapalit ng P10,000 bayad pero walang exclusion order na inilabas.
Sabi nga, kung may exclusion na isyu P60,000 ang bayaran pero hindi pa dapat ito napa-faxed sa Manila office dahil kung naipadala na tiyak malakihan na ang usapan dito.
Sa kuento, P150,000 ang bayaran blues diumano kung nagawa na ang exclusion order at nai-faxed na sa Manila?
Sabi nga, ang tawag dito ay ‘recall order of exclusion.’
Ito ang modus operandi ng mga korap na ginagawa sa Mactan International Airport ng mga sindikatong binubuo nina alyas Ricky ‘the living dead,’ isang alyas Ronron, isang alyas ‘Bulalo,’ at isang alyas Eric korap, ang safekeeper ng kanilang masterlist at updates.
Hindi birong salapi ang kinikita ng mga ulol dito.
Abangan.
Capitol Masonic Lodge 174
CONGRATULATIONS sa Capitol Masonic Lodge 174 sa katatapos na 55th Public Installation of elected and appointed officers ngayong year 2019-2020.
Ang mga bagong hangal este mali hirang pala na mga elected at appointed officers ay sina Worshipful Master Nerwin M. Ricohermoso, Senior Warden Jaime B. Planas, Junior Warden Garry P. Pasiona, VW Rodrigo V. Macatangay Jr., Treasurer, VW Jesus M. Tolosa - Secretary, VW Ariel D. Fronda - Auditor, Bro. Emmanuel C. Manalo - Chaplain, Bro. Daniel Dr. Almario - Marshal, Bro. Victorio Harrison 111 B. Esnaola - Senior Deacon, Bro. Irvin John R. Coderis - Junior Deacon, Bro. Jovito S. Lazaro - Almoner, VW Nilo A. Apuada - Custodian of Works, VW Antonio M. De Jesus - Historian, VW Ronald L. Cortez - Lecturer, Bro. Anthony Jay B. Castelo - Senior Steward, Bro. Nilo L. Go Jr. - Junior Steward, WB Allan R. Alcantara - Orator, Bro. Gilgreg K. Madarang - Organist, WB Charles Jonathan B. Elcano - Harmony Officer at WB Wilfred C. Delos Santos - Tyler.
- Latest