^

PSN Opinyon

Ibalik ang parusang bitay

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Sumasang-ayon po ako sa panukala ng nakararami na dapat nang ibalik ang parusang kamatayan. Marami na pong nangyayaring krimen ngayon gaya ng panggagahasa at pinapatay pa. Isang halimbawa ay ang ginawang pagpatay sa isang 16-anyos na babae sa Cebu na pagkatapos patayin ay binalatan pa ang mukha. Napaka-karumal-dumal ang pangyayaring ito at dapat lamang na mamatay din ang may kagagawan. Kung hindi ibabalik ang bitay ay maaaring marami pa ang magahasa at mamamatay. Kawawa naman ang mga kababaihan na lagi na lamang nagiging biktima ng mga walang pusong kriminal. Dapat sa mga rapist ay unti-unti ang gawing pagpatay para maranasan din nila ang hirap.

Naniniwala ako na nasa ilalim ng inpluwensiya ng droga ang may kagagawan sa pagpatay sa babae sa Cebu. Hindi magagawa ang krimen kung hindi bangag sa shabu. Kaya nararapat din namang parusahan ng kamatayan ang mga drug trafficker. Sila ang salot sa bansang ito. Kung walang droga, wala ring krimen na mangyayari.

Kung mayroong masasampolan ng drug trafficker, palagay ko, mababawasan na ang mga nangyayaring krimen dahil wala nang panggagalingan ng droga. Kahit saang dako ng bansa ay may droga. Kahit dun sa mga remote areas na wala pa halos kuryente at tubig ay mayroon nang shabu at pati ang mga traysikel drayber ay nagiging addict na rin.

Sana magising ang mga mambabatas at muli nilang rebyuhin ang mga nangyayaring krimen na kaliwa’t kanan nang sumasalakay sa mamamayan. Pag-aralan nilang mabuti ang mga nangyayari at magnilay-nilay sa mga nangyayaring krimen na kadalasang ang mga biktima ay kababaihan.

Sana, maibalik na ang parusang kamatayan para magkaroon ng takot ang mga rapist, kriminal at drug trafficker. Inaasahan ko na gagawa ng aksiyon ang mga mambabatas. ---- CAROLINA MAGAILAN, Sta. Cruz, Laguna

* * *

Congratulations PSN!

Marahil kasali ako sa inyong pinasasalamatan sa pagiging reader ng disente n’yong diyaryo.

Ako ay isang retired teacher at 91 years old na. Ang hobby ko ay ang pagbabasa at pagsusulat. Mahilig din akong lumikha ng tula, magsulat ng kuwento at jokes. Ako ang nagtututor sa mga batang may kapansanan. Kung minsan nagagamit ko ang PSN sa pagtuturo para bumasa.

The best ang PSN para sa akin. Kapaki-pakinabang ang mga balita, opinion, movies, sports, puzzles, at marami pang iba.

More power sa PSN. God bless. - JUANITA V. VILLAS, P3, Matobato, Calbayog City, Samar

DEATH PENALTY BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with