^

PSN Opinyon

‘Doble plaka,’ pwe!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI nakalusot ang mga sasakyang dumadaan ng EDSA, dahil heavy traffic kahapon, dahil sa ginawang protesta ng mga may-ari ng mga motorsiklo na kontra sa batas na gustong ipatupad ng gobierno tungkol sa isyu ng ‘doble plaka.’

Ang Motorcycle Crime Prevention Act na gustong ipalagay ng gobierno sa likuran at harapang bahagi ng mga motorsiklo ay magdudulot daw ng kapahamakan sa mga nakasakay dito.

Bakit?

Sagot - Delikado ang malaking plaka sa motorsiklo dahil puede umano silang magdisgrasiya lalo’t malakas ang hangin na tatama dito.

Ika nga, tamang semplang na puede nilang ikamatay?

Last March 8, pinirmahan kasi ni Boss Digong ang batas na naglalayong hadlangan ang mga motorcycle riding criminal na makatakas oras na may ginawa silang krimen.

Kaya lang may pumapalag sa gustong mangyari ng gobierno kaya naman kahapon hindi lang pala sa EDSA ang ma-traffic kundi sa iba’t ibang bahagi ng Philippines my Philippines na nagpo-protesta sa batas na ginawa.

Ano sa palagay ninyo?

Matuloy kaya ito o magwagi ang mga tutol sa batas?

Abangan.

Refund sa nawalan ng tubig

HINDI dapat iwanan ang isyu ng kawalan ng tubig na nagdulot ng pahirap sa madlang people sa Metro  Manila noong mga nakaraang araw kaya naman marami ang nanggagalaiti sa galit sa management ng Manila Water at MWSS dahil sa pakaang-kaang ang mga ito.

Mismo ang mga senador at mga kongresista ang sumabon sa mga opisyal ng MWSS at Manila Water pati na rin si Boss Digong ay nagalit sa kanilang kapabayaan at nagbanta pa ito na pagsisibakin sila sa kanilang mga puesto.

Ang dapat at huwag kalimutan ang “refund” o danyos pinsala sa mga nakaranas ng water crisis sa Metro Manila.

Sabi nga, magbayad kayo!

Dahil sa ginawa ng mga bright na pahirap sa madlang people na nawalan ng tubig.

Ika nga, may mga namaho at hindi na nakuha pang pumasok sa kanilang mga trabaho at schools!

Hindi lamang sa tubig nahirapan ang madlang Pinoy na nakaranas nito kundi halos mabutas ang kanilang bulsa sa biglaang taas presyo ng mga timbang panggamit nila para makaipon ng tubig at ganoon din ang ibang water station na nagtaas ng kanilang ‘mineral water.’

Kaya tuloy kawawa ang mga mahihirap na hindi kayang bumili ng tubig na maiinom nang magkaroon ng krisis sa tubig.

Sabi nga, ang iba ay nangutang?

Kaya ang importante ay huwag kalimutan ang refund sa mga naapektuhan ng water crisis,

Abangan.

DOUBLE PLATE NUMBER

HEAVY TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with