^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magbitiw ang nagpabaya sa tungkulin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Magbitiw ang nagpabaya sa tungkulin

MAY katwiran si President Duterte na bantaan ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil nagpabaya ang mga ito at hindi gumawa ng paraan para maiwasan ang krisis sa tubig. Binantaan din ng Presidente ang Manila Water na ititigil na ang kontrata nito kapag hindi naisaayos ang problema sa tubig. Siniserbisyuhan ng Manila Water ang east sector ng Metro Manila.

Nagsimula ang water interruption noong Marso 6 at hanggang ngayon ay may mga dumaranas pa rin ng kawalan ng tubig sa mga bayan sa Rizal at mga lugar sa Marikina at Pasig. Pero sabi ng Manila Water, 90 percent na raw ang naibalik nilang serbisyo.

Galit na galit ang Presidente sa MWSS officials sapagkat lumalabas na hindi ginampanan ng mga ito ang trabaho. Hinayaang mag-panic ang mga tao sa kawalan ng tubig na maaari namang gawan ng solusyon. Ayon sa Presidente, dapat ay alam ng MWSS officials at Manila Water na maaaring mag-karoon  ng shortages sa tubig at gumawa sana sila ng paraan para maiwasan ito. Pero walang ginawang aksiyon ang MWSS officials at Manila Water.

Kinailangan pa umanong ang Presidente ang magpasya ng mga gagawin para masolusyunan ang krisis sa tubig. Kailangan pang ang bumiyahe ang Presidente mula Davao patungong Maynila para desisyunan na magpakawala ng tubig sa Angat Dam na pinagkukunan ng tubig. Banta ng Presidente sa MWSS officials, “shape up or ship out!”

Matapos sermunan ng may 40 minuto, inatasan ang MWSS officials na magsumite ng water shortage report sa Abril 7. Sa report na ito ay babatay ang Presidente kung sisibakin ang mga pabayang opisyal ng MWSS.

Walang delikadesa ang mga opisyal ng MWSS. Harap-harapan nang minura ng Presidente pero wala pa ring nagkusang magbitiw sa puwesto. Sabi ng isang MWSS official, hindi naman daw sila pinagbibitiw. Sinabon lang daw sila at binanlawan, sabi pa ng isang opisyal.

Kailangan pa bang sabihin na magbitiw sila dahil sa kapabayaan? Dapat magkusa na silang magbitiw. Sa ibang bansa, gaya sa Japan, ang mga opisyal ng gobyerno roon ay may delikadesa. Agad silang nagbibitiw sa puwesto kapag nasangkot ang pangalan sa anumang kapabayaan na grabeng nakaapekto sa taumbayan. Dito, hindi alam ng mga government official ang kahulugan ng delikadesa.

TUNGKULIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with