^

PSN Opinyon

Sino’ng nang-aadik sa mga Pinoy, bakit?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MULA Hulyo 2016, ulat ng gobyerno, dose-dosenang pa­brika ng shabu ang natimbog. Daan-daan ang mga sindikato ng droga na giniba. Libong toneladang puting pulbong pampalango ang nasamsam, halagang daan-bilyong piso. Mahigit 4,500 ang napatay at 180,000 ang nahuling pushers sa raids at buy-busts ng pulis, 1.7 milyong adik ang sumuko sa barangay.

Batay du’n dapat ay lumpo na ang narco-traffickers at patapos na ang giyera kontra droga. Mapapalagay na ang ka­looban ng mamamayan.

Pero kabaliktaran ang sitwasyon. Patuloy nagbabagsak ang drug smugglers ng bulto-bultong shabu sa mga liblib na isla. Tatlong beses nakasabat ang Customs ng tone-toneladang puslit na shabu sa Manila pier, nakasilid sa malalaking bakal na printing cylinders at magnetic lifters. Halagang P30 bilyon, ang 22 tonelada ay sapat na pampa-high sa pitong milyong adik nang ilang linggo. Pero malamang daw na marami pang nakalusot; iniim­bestiga ang mahigit isang libong pinasok na 20-foot cargo containers ng droga na isiningit sa kontrabandong bigas at asukal.

Nitong Pebrero, mahigit 70 tig-isang kilong bricks ng cocaine naman ang natagpuang lulutang-lutang malapit o kaya’y napadpad sa pampang ng Pacific Coast. Anim na probinsiya -- Quezon, Camarines Norte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental -- ang nakitaan ng P700 milyong “kakaibang” droga. “Kakaiba”, anang Philippine Drug Enforcement Agency, kasi 2% lang ng adik na Pinoy ang sumisinghot ng puting polbo rin na ito. Nakakasugat at nagpapadugo ito ng ilong, kaya mas gusto ng adik ang usok ng shabu.

Diversionary umano ang cocaine smuggling. Inaasahan ng PDEA na may ipupuslit na mas malaking kargamento ng shabu. Tila nagsosyo na ang Sinaloa drug cartel sa Mexico at Chinese Triads sa Golden Triangle (Thailand, Laos, Myanmar). Tinuturuan nila ang isa’t isa sa paggawa at pagpuslit ng high-grade shabu at cocaine. Baka inuudyukan sila ng kalabang bansa. National security issue na pinalalambot nila tayo.

ILLEGAL DRUGS

NARCO-TRAFFICKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with