^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Darami pa ang illegal Chinese

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Darami pa ang illegal Chinese

SA pagpayag ni President Duterte na magtrabaho sa bansa ang mga illegal Chinese, tiyak na lalo pang darami ang mga ito at maaaring maagawan ng trabaho ang mga Pinoy. Bukod pa riyan, magi-ging banta rin sa seguridad ng bansa ang pagdagsa ng mga Chinese na nag-aastang tourist pero ang talagang balak ay ang magtrabaho sa bansa. Nakaaalarma rin ang pagdami ng illegal Chinese sa isyu ng pagkalat ng illegal na droga, partikular na ang shabu, sapagkat karaniwang nahuhuli ay mga Chinese. Dalawang linggo na ang nakararaan, dalawang Chinese ang napatay makaraang salakayin ng PDEA ang isang bodega sa Cavite.

Ngayong nagpahayag ang Presidente na ma-ging maluwag sa illegal Chinese at hayaang magtrabaho sa bansa, nagbibigay ito ng pangamba o agam-agam na maaaring sa hinaharap ay mas marami pang Chinese dito at maaagawan na ng ikabubuhay ang nakararami. Sa kasalukuyan, tinatayang 119,000 illegal Chinese sa bansa.

Mayroong dahilan ang Presidente kaya niya sinabing hayaan na ang illegal Chinese na magtrabaho rito. Mas marami raw illegal na Pinoy sa China. Umaabot daw sa 300,000 Pinoys ang illegal na nagtatrabaho sa China. Paano raw kung sabihin niya sa mga illegal Chinese dito na ipadeport ang mga ito at gumanti ang China, mas marami ang apektadong Pinoys. Kaya mas mainam nang ha-yaan ang mga illegal Chinese na magtrabaho rito para hindi rin manganib ang kalagayan ng mga Pinoy sa China. Ang kalagayan lang daw ng mga kababayan ang concern niya.

May punto naman ang Presidente sa pagpayag niya pero sana ay makontrol ang pagdagsa ng mga Chinese na para bang talagang sinasadya na nilang dito manirahan palibhasa ay maluwag ang Presidente sa kanila. Parang inaabuso na ang pagiging magkaibigan ng dalawang bansa.

At sa mga illegal na Pinoys sa China, pilitin sana ng pamahalaan na makalikha nang maraming trabaho rito para mapauwi na sila at dito maghanapbuhay. Kung maraming pagkakakitaan dito, hindi na aalis ang mga Pinoy para magtrabaho sa ibang bansa gaya ng China.

ILLEGAL CHINESE WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with