^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Durugin ang mga terorista!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Durugin ang mga terorista!

MAG-ASAWANG Indonesian ang nasa likod ng pambobomba sa Jolo Cathedral noong nakaraang Linggo na ikinamatay ng 21 katao, sabi ni DILG Sec. Eduardo Año. Suicide bombers umano ang mag-asawa at tinuruan ng Abu Sayyaf ng mga gagawin. Nagkaroon muna umano ng pagto-tour sa cathedral ang mag-asawang suicide bombers kasa-ma ang mga miyembro ng Sayyaf. Ayon pa sa DILG secretary, nakuha na lahat ng kani-kanilang pamilya ang mga bangkay ng kaanak at tanging ang gutay-gutay na katawan ng isang lalaki at isang babae ang hindi pa kinukuha kaya malakas ang paniwala ni Año na ang mag-asawa ang suicide bombers.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na tatlong kabataang lalaki na nakunan ng CCTV ang nag-iwan ng bomba sa cathedral subalit sumuko ang tatlo at nilinis ang kanilang pangalan. Ayon pa sa PNP, ang Ajang-ajang group na konektado sa Sayyaf ang kanilang pinaghihinalaan.

Mas tumama ang hinala ni President Duterte na suicide bombings ang nangyari. Una nang sinabi ng Presidente na mag-asawa umano ang suicide bombers na pumasok sa simbahan habang may nagaganap na misa. Paano naman kaya ito nalaman ng Presidente. Mas malawak pa marahil ang intelligence gathering ng Presidente kaysa AFP at PNP. Bakit hindi nalaman ng AFP na may magaganap na pambobomba sa cathedral.

Kamakailan, ipinag-utos ng Presidente sa Armed Forces of the Philippines na durugin ang mga tero-rista na kinabibilangan ng ISIS at Abu Sayyaf. Ito raw ang nararapat para matuldukan ang nangyayaring kaguluhan sa Mindanao. Ipinahayag ito ng Presidente makaraang idaos ang matagumpay na plebisito kaugnay sa Bangsamoro Organic Law (BOL). Kailangan pa bang atasan ng Presidente ang AFP sa gagawing pagdurog gayung talaga namang ito ang nararapat lalo pa’t nakadeklara ang martial law sa rehiyon. Kaya nga may martial law ay para mapigilan ang mga karahasan at makapagsagawa ng mga pagsalakay na walang sagabal. Anong silbi ng martial law kung patuloy na makakagawa ng karahasan ang mga terorista. Sa nangyayaring pagpapasabog sa mga matataong lugar gaya ng simbahan, dapat maging alerto ang mamamayan. Maging mapagmatyag sa paligid. Ireport sa pulisya ang mga kahina-hinalang bagay o gamit na iniwan sa upuan o mga sulok. Kailangang maging handa sa anumang oras.

ABU SAYYAF

EDUARDO AñO

JOLO CATHEDRAL BOMBING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with