^

PSN Opinyon

Paliwanag, biro?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KINAILANGAN na namang magpaliwanag ni DILG Sec. Año sa pahayag ni President Duterte na ang mga ayaw magpainspeksyon sa mga checkpoint ay patayin na. Ayon sa kanya, masusunod pa rin daw ang batas at “rules of engagement” sa pagpapatupad ng mga checkpoint, sa kabila ng tila dumaraming insidente ng patayan.

Kikilos lang daw ang mga pulis at sundalo kapag una silang pinaputukan, o kaya’y pakitaan ng armas. Na­ngamba ang ilan na dahil sa pahayag ni Duterte, baka may maganap na paglabag sa karapatang pantao.

Wala nga namang laban ang sibilyan na hindi naman armado sa mga pulis at sundalo sa mga checkpoint. Baka naman kapag hindi lang nabuksan kaagad ang ilaw sa loob ng sasakyan ay kikilos na ang mga pulis.

Alam natin na bawal palabasin ng sasakyan at kapkapan, bawal ipasok ang anumang bahagi ng katawan ng mga pulis sa sasakyan, bawal pabuksan ang anuman sa sasakyan. Puwede lang kausapin, ilawan ang loob. Kailangan din ng mga tamang karatula ang mga checkpoint at nasa maliwanag na lugar. Maganda kung lahat ito ay masusunod nang maayos. 

Binanggit muli ni Duterte na “hinawakan” niya ang kanilang kasambahay habang tulog sa isang talumpati sa Cotabato. Unang binanggit ito noong kampanya, pero ang kuwento niya ay binosohan lang. Natural, tinawanan ng kanyang mga taga-hanga ang kuwento.

Pero totoo kaya ito, o nagbibiro lang, na naman? At kung nakakatawa ang ganyang kuwento, ano kaya kung hindi Presidente ng Pilipinas ang nagkuwento ng ganyan, kundi pari? Magtawanan pa kaya? Nagagalit tayo nang husto sa “bullying”, pero ang pamboboso o panghihipo sa tulog na babae ay tinatawanan lang? O dahil si Duterte lang ang nagkukuwento?    

Mahirap talaga malaman kung nagbibiro o seryoso ang Presidente ng Pilipinas, kapag nagbabanggit ng mga balighong pahayag. Asahan lang na laging handa ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na magpaliwanag, o magsabing nagbibiro lamang si Duterte. Tila lahat sila ay nagsanay sa pagpapaliwanag, kapag kinakailangan.

Happy New Year na rin! 

PALIWANAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with