^

PSN Opinyon

Matatahimik na si Kian

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

WALANG pardon sa ‘‘EJK Cops’’! Ito ang pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte matapos sentensiyahan nang habambuhay na pagkabilanggo ang tatlong pulis-Ca­loocan dahil sa pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos. Ang mga nahatulan ay sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz. Malinaw na hindi kinukunsinti ni President Duterte ang mga pulis na walang pakundangan kung pumatay sa mga sibilyan at umaabuso sa kapangyarihan. Maging open eye sana ang pangyayaring ito sa mga pulis sa buong bansa. Kahit na gigil na gigil si President Duterte sa mga pusakal sa droga, hindi naman makatwiran na basta-basta na lang pagpapatayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa “pagtutulak” para lamang magkaroon ng accomplishment sa kampanya kontra droga.

Matatahimik na si Kian sapagkat naging mabilis ang paghatol sa tatlong pulis kung ikukumpara sa mga nilulumot ng kasong nakabinbin sa mga korte. Agosto  16, 2017 nang isampa ang kaso laban sa tatlong pulis at makalipas ang mahigit isang taon, naibaba na ang hatol sa mga ito. Si Caloocan City Regional Trial Court Branch 125 Judge Rodolfo Azucena ang naggawad ng hatol sa tatlong pulis. Ganunman, Sa kabila ng hatol sa tatlong pulis hindi ito naging hadlang sa kampanya ng PNP laban sa droga. Ipagpapatuloy pa rin nila ang paghabol sa mga salot na drug pushers.

Naging marahas at padalus-dalos ang ikinilos ng tatlong pulis kay Kian. Nakita sa CCTV kung paano kinaladkad ng tatlong pulis ang binatilyo sa may basketball court at marami rin ang nakakita sa pangyayari. Makalipas ang ilang minuto, nakita ang bangkay ni Kian na nakasubsob sa pusali at may tama ng bala. Ito ang naging dahilan para sibakin ang buong Caloocan police force at isinailalim sila sa re-training.

Ang matindi, mukhang marami pa ring pulis ang hindi kuntento sa kanilang malaking suweldo kaya marami pa rin ang gumagawa ng palso. Katulad na lamang sa pagsibak ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar sa 36 na pulis ng Las Pinas City kamakailan dahil sa extortion at kidnapping. Ang pitong pulis ay sina  PO3 Joel Lupig, PO2 Vaner Guanlao, PO2 Jayson Arellano, PO1 Mark Jefferson Fulgencio, PO1 Jeffrey de Leon at PO1 Raymart Gomez.

Marami akong natanggap na reaksyon. Sana raw mabilis na mahatulan ang pitong pulis gaya ng nangyari sa mga pulis na pumatay kay Kian delos Santos. Abangan!

KIAN LLOYD DELOS SANTOS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with