^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Ibalik ang basura sa Korea at Canada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Ibalik ang basura sa Korea at Canada

NAMUMUTIKTIK ang basura sa Pilipinas. Ma­ki­kita ang mga ito sa estero at sa baybayin ng Manila Bay. Pawang mga plastic ang basura na kinabibilangan ng botelya ng softdrink at mineral­ water, sachet ng coffee at shampoo, supot na plastic­ at mga styro ng pagkain mula sa fastfoods and restaurants.

Ang nakakapagtaka, kahit marami nang basura sa bansa, marami pa ring kompanya ang bumibili ng basura sa ibang bansa. Tone-toneladang ba­sura ang kanilang iniimport at hinahayaan naman ng pamahalaan na madala rito sa bansa.

Nirereklamo ngayon ang mga basurang plastic­ na nakatambak sa Tagoloan, Misamis Oriental. Nanggaling ang mga plastik sa South Korea at ang consignee ay ang Verde Soko Phil. Industrial Corporation. Dumating ang basura nooong Hulyo 21 sa Mindanao Container Terminal at nakadekla­rang “plastic synthetic flakes”. Ayon sa Bureau of Customs, lumabag ang Verde Soko sa Customs Modernization and Tariff Act.

Hindi lamang Korea ang pinanggagalingan ng mga basura. Mas nauna ang Canada na hanggang ngayon ay nasa container pa sa Manila Port at sa Subic, Zambales. May mga itinambak din sa Tarlac.

Limang taon na sa bansa ang basura mula sa Canada na dumating sa bansa noong Hunyo 2013. Umaabot sa 50 frieght containers ang basura na pawang household wastes at banta sa kalusugan ng mamamayan.

Idineklarang mga plastic na basura ang laman ng containers at ang consignee ay ang kompanyang Chronic Plastics na nasa Valenzuela City. Pero nang inspeksiyunin ng Bureau of Customs, nadiskubreng mga basura at nangangamoy na. Bumaliktad ang sikmura ng mga taga-Customs nang buksan ang container sapagkat umalinga­saw ang mabahong amoy mula roon.

Nang dumating sa bansa ang Prime Minister ng Canada noong nakaraang taon, sinabing iba­balik daw sa kanilang bansa ang basura pero hanggang ngayon, wala pang aksiyon.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dapat manguna para ibalik ang mga basura sa Korea at Canada. Ginagawang tambakan ang bansa ng hazardous waste. Magkaroon naman sana ng ngipin ang DENR para hindi na maulit ang pag-iimport ng basura. Marami na nito sa bansa kaya huwag nang dagdagan pa.

SOUTH KOREA GARBAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with