Hustisiya sa Negros 9 massacre
MAY premyong P250,000 ang sinumang makakapag-nguso sa mga autoridad patay man o buhay, na mga kriminal na nag-massacre sa 9 miembro ng National Federation of Sugar Workers o NFSW sa Hacienda Purok Firetree, Barangay Bulanon Sagay City, Negros Occidental.
Sabi nga, kabilang sa mga niratrat ay 4 na bebot at dalawang menor de edad. Ang mga ito raw ay nagpapahinga sa isang kubo na nakatirik sa kanilang sakahan.
May iba’t-ibang bersyon ang lumalabas sa mga kuentuhan ng mga barbero dahil may mga nagsasabing mga sundalo ang tumira sa 9 people, may nagtuturo naman na 6 killers ang rumatrat sa mga pinatay?
Naku ha!
Sino kaya?
Magulo pa ang imbestigasyon hindi pa malinaw ang nangyaring massacre at wala pang maayos na testigo kakanta laban sa mga salarin.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi daw mga residents ng Sagay ang mga niratrat na magbubukid?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magulo pa ang kuentuhan blues may mga nagsasabi ang patayan ay dahil umano sa agawan ng lupang sinasaka.
Sa ipinadalang mensahe ng ‘Ang Unyon ng mga Manggagawa o UMA’ ikinakanta ni John Milton Lozande, secretary general ng parehong UMA at NFSW, na responsable diumano sina Boss Digong at AFP, sa kamuhi-muhing gawa ng karahasan laban sa mga minasaker?
Sinasabi ang sakahan daw ay minimintina ng Bagong Hukbong Bayan rebels communal farms?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Bago nangyari ang masaker may dalawang lider ng NFSW, ang pinatay din sa Sagay City.
Si Flora A. Jemola, chairperson of NFSW-Sagay City, ay napatay noong December 21, 2017, sa isang LCA area sa Hacienda Susan Brgy. Poblacion 1 Sagay City. Namatay ito matapos magtamo ng 13 saksak. Pinaghihinalaang elemento diumano ng SCAA/CAFGU members sa ilalim ng 12th IB of the Philippine Army?
Ayon sa sumbong, napatay din si Ronald Manlanat, member ng local chapter ng NFSW sa Hacienda Joefred, Barangay General Luna, Sagay City, noong February 21, 2018. Pinaghihinalaan din ang mga tumira dito ay mga elemento diumano ng SCAA/CAFGU members sa ilalim ng 12th IB of the Philippine Army? Niratrat ito nang isang magazine ng M16 sa ulo ng killer.
Sinasabing may mga pagbabanta na sa buhay ni Manlanat dahil sa pakikilahok sa cultivation campaign sa Barangay Luna, kung saan ang mga hacienda workers at magsasaka ay nananawagan para ipatupad ang agrarian reform.
Umabot na sa 45 ang bilang ng mga magsasakang namatay sa Negros Island sa ilalim ng rehimeng Duterte.
Ang feudal at semi-feudal situation sa Negros ay katakut-takot.
Isinisigaw ng grupo ng mga magsasaka ang “Justice to the Negros 9 massacre!”
Mabigyan kaya?
Abangan.
- Latest