^

PSN Opinyon

Pagtiris ng tagihawat, maaaring ikamatay!

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang hindi nakaaalam na ang pagtiris ng tagihawat sa mukha lalo na sa bandang ilong ay maaaring­ maging dahilan ng kamatayan. Bihira lang itong mangyari pero posible pa rin.

Ang artikulo ko ngayon ay base sa research ni Ourlad Tantengco at mga dalubhasang dermatologists.

Madalas na nakakaranas ng paglabas ng tagihawat ang mga teenager at kadalasang pinuproblema kung paano ito mawawala. Isang masamang kaugalian ang pagtiris ng tagihawat lalo na kung mayroon na itong nana. Ayon sa dermatologists, dapat itong iwasan lalo na kung marumi. 

Hindi lang mag-iiwan ng peklat ang mga tinitiris na tagihawat, maaari rin itong pagmulan ng impeksiyon na maaaring kumalat sa dugo papunta sa utak. Dahil ang ilong ay nasa “danger triangle”, posibleng makapunta ang mikrobyo sa utak at magdulot ng impeksyon doon.

Kapag marumi ang kamay at pinisa ang tagihawat maaaring pumasok ang mikrobyo mula sa iyong kamay at dahil ang ugat sa mukha ay dumidiretso sa utak, maaaring magdulot ng impeksyon sa utak.

Kapag hindi ito naagapan, maaaring makaranas ng pamamanhid ng katawan, pagkawala ng paningin at pag­kamatay.

Kadalasang makakaranas ng sobrang sakit ng ulo, mataas na lagnat, pamamanhid ng mukha at labis na pagkapagod. Kapag nakaranas ng mga ito matapos tirisin ang tagihawat sa mukha lalo na sa bandang ilong at itaas na labi, kumunsulta agad sa doktor. Muli, alalahanin na huwag tirisin ang tagihawat at hayaan itong gumaling.

DERMATOLOGISTS

OURLAD TANTENGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with