^

PSN Opinyon

Ok sana

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man nauumpisahan ay tatapusin na. Ganun ang dating ng maikling 41 araw ng panunungkulan ni Chief Justice Teresita Leonardo de Castro. Hindi pinagdudahan ang kakayahan ni CJ Tess. Produkto ng UP College of Law at dumaan, ‘ika nga, sa rank and file hanggang umabot sa tuktok. Dati na ring naging Presi­ding Justice ng Sandiganbayan. Kung tanging kuwalipikasyon ang pagtatalunan, maliban kay Senior Associate Justice Antonio Carpio, wala nang mas karapat-dapat sa puwesto.

Ganunpaman, balot sa kontrobersiya ang pagka­ta­laga sa kanya. Una sa lahat, nandyan ang kanyang partisipasyon sa pagtanggal sa puwesto ni Chief Justice Ma. Lourdes PA Sereno. Pangatawanan man ang nagawa niyang pangunguna sa kampanya laban kay CJ Sereno, mayroon pa ring hindi kumportable na, sa huli, siya rin ang nakinabang.

Problema rin ang maikling panahon na naiiwan para sa kanyang panunungkulan. Paano nga ba ito magiging mabisang Punong mahistrado sa naiiwang kapiranggot na oras? Anong reporma ang kanyang matatapos kung hindi man ito maumpisahan? Hindi tuloy masisi ang mga naniniwala na ang kanyang appointment ay: (1) premyo lang; o, kung hindi man, (2) konsuwelo lang sa kanyang 45 taong serbisyo sa Hudikatura.

Ako man ay hindi naniniwala na ang pagtalaga kay CJ Tess ay pasalamat lamang ng Pangulo. Mismong si CJ Tess ay hindi papayag kung ganoon lang ang pamantayan. Mukhang mas matimbang ang teorya na ito ay pagkilala sa kanyang mahabang karera bilang outstanding Jurist. Kung ganito nga, marami pa rin ang aalma. 

Ang posisyon ng Chief Justice ay hindi pinapamahagi bilang konsuwelo. Oras na umabot tayo sa ganito, para na rin nating tinalikuran ang independence ng Hudikatura. Hindi ito parang kendi na basta na lang ibibigay sa kung sino ang maibigan. Mas magiging maayos ang patakbo ng pamahalaan kapag may kaukulang dibisyon ng kapangyarihan at kung magbantayan ang mga independienteng kagawaran para maiwasan ang abuso. Sa pagpili ng mamumuno ng Hudikatura, sana ay mas matimbang na pamantayan ang hanapin upang maging epektibo sa puwesto. Kung pakonsuwelo lang para sa isang wala na ring maaambag, sana ay wala nang ganyanan.

TERESITA LEONARDO DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with