^

PSN Opinyon

Hindi rason ang pagiging menor de edad

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SANG-AYON ako kay Pres. Digong Duterte na kahit mga menor de edad ay hulihin ng mga pulis kapag sila ay luma­bag sa batas. Hindi porke’t bata pa, ligtas na sa hulihan. Halos kalahati ng istambay sa bansa ngayon ay mga menor de edad. Gamit na gamit ang mga kabataan ngayon sa pagnanakaw at pagtutulak ng shabu. Katwiran ng mga gago hindi naman puwedeng ikulong, dadalhin lang sa DSWD, bigyan ng konting aral at pakakawalan din. Karamihan ng gulo sa lansangan ay mga kabataan ang pasimuno.

Kaya tama lang na isama ang mga menor de edad na hulihin dahil pakalat-kalat lang ang mga iyan sa lansa­ngan. Kahit saang parte ka ng Metro Manila, mapadaan sa gabi, nagkalat ang mga menor de edad. May sumi­singhot ng solvent, may nagtatakbuhan at meron ka pang masasalubong na naglalakad na walang pakialam sa mga sasakyan. Siguro high sa droga. Karamihan kasi sa mga batang pakalat-kalat sa lansangan ay hindi na umuuwi sa kanilang pamilya. Dahil katwiran nila, galit lang din ng magulang ang sasalubong sa kanila kaya ayan natututo na silang magnakaw para lamang may mailaman sa sikmurang kumakalam.

O kaya naman ang gawin ng mga pulis kapag nahuli ang menor de edad, ipaturo sa mga ito kung nasaan ang kanilang mga magulang at bigyan din ng pa­rusa o kaya sila ang ikulong imbes na anak nila. Dahil lahat na nagawang kasalanan ng isang menor de edad, ang magulang ang may pananagutan. Bakit nila pinapayagan ang kanilang mga anak na magpaka­lat-kalat sa lansangan, imbes na ito ay nasa paaralan. Tungkulin ng mga magulang na akayin ang mga anak sa tamang landas upang hindi mapariwara ang kinabukasan.

DIGONG DUTERTE

MENOR DE EDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with