^

PSN Opinyon

Kapalmuks 2

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ANG hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi pa sinisipa sa kanyang puwesto si House Speaker Pantaleon Alvarez. Iba kasi kung umasta akala niya siya na ang may pinakamataas na puwesto. Mukhang nakalimutan niya na bago siya ay andiyan muna ang Senado. Kung ranking ang pagbabasehan pang-apat lang sila mula sa Presidente ng bansa kaya bawas-bawasan naman sana ang pagiging maangas.

Sigurado ako kapag sinipa ni President Digong si Alvarez sa pagiging speaker ay hindi siya magsisisi dahil andiyan naman si Cong. Gloria Arroyo na dating deputy Speaker. Malawak ang kanyang kaalaman pagdating sa paghawak ng puwesto sa gobyerno alam naman ng lahat na matagal siyang namuno bilang Presidente ng bansa. Para sa akin swak si Arroyo na maging House Speaker. Ang mahirap kasi kay Alvarez mula nang ma­iluklok sa pagka-Speaker, animo hari siya kung umasta. Kung naaalala n’yo pati si Davao City mayor Sarah Du­terte Carpio na anak ni President Digong ay sinubukan niyang suwagin pero hindi siya umubra.

Mabuti pa sa Senado, masasabi kong may delikadesa si Senate President Koko Pimentel. Hindi siya kapit-tuko sa puwesto dahil anumang oras ay puwede siyang palitan ni Sen. Tito Sotto sa pagka-Senate President ay maluwag niyang tatanggapin. Ganyan dapat! Meron silang pagkakaisa magkakaiba man ang kanilang partidong pinanggalingan. Hindi sila nagsuswapang sa puwesto.

Mukhang hindi nagkakasundo ngayon ang senado at kongreso dahil sa taliwas na opinion ng bawat isa sa kaso ng napatalsik na Chief justice Maria Lourdes Sereno. Ma­buti na rin ang ginawa ng SC dahil sila na mismo ang sumipa kay Sereno.

Sa 2019 election, may asim pa kaya itong si House Speaker Pantaleon Alvarez? Kung manalo man ligwak na yan sa pagka-speaker.

HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with