^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pinalaklak naman ng bleach

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pinalaklak naman ng bleach

NOONG nakaraang Pebrero ng taong ito, mara­ming na-shock ng matagpuan ang bangkay ng Pinay domestic helper na si Joanna Demafelis sa isang freezer sa Kuwait City. Pinatay si Demafelis ng kanyang mga among Lebanese at Syrian.

Kamakalawa, isa na namang nakaka-shock na balita ang yumanig sa mga Pinoy sapagkat sa pagkakataong ito, pinainom naman ng bleach ang isang DH sa Jizan, Saudi Arabia. Ang DH ay nakilalang si Agnes Mancilla. Kasalukuyan siyang nasa King Fahad Central Hospital at ginagamot dahil sa mga pinsala sa bituka. Nakitaan din ng pamamaga sa likod ang domestic helper na dalawang taon nang naglilingkod sa malupit na amo. Bukod sa pagmamaltrato, hindi pinasusuweldo si Mancilla. Isinugod siya ng mga kapwa Pilipino sa ospital. Naaresto na umano ang among babae.

Kakatwa ang pangyayari sapagkat, isang araw bago mangyari ang pagpapalaklak ng bleach sa DH sa Saudi, nangako ni Pres. Rodrigo Duterte na poprotektahan at hindi na makakaranas nang pagmamaltrato ang mga overseas Filipino workers (OFWs), particular ang domestic helpers. Inihayag ito ng Presidente nang makipagkita siya sa Pinay DH na si Pahima Alagasi, 26, taga-Pikit, North Cotabato, na binuhusan nang mainit na tubig sa ulo ng amo nito sa Saudi Arabia noong 2013. Dahil sa pagbuhos ng mainit na tubig, nakalbo si Pahima.

Sinabi ni Duterte na hindi na mauulit ang pagmamaltratong katulad ng nangyari kay Pahima. Hindi na raw makakatikim ng pagmamalupit ang mga OFWs lalo ang mga domestic helper. Nangako rin daw sa kanya ang Prinsipe ng Saudi na lulutasin ang kaso ni Alagasi. Nagtungo sa bansa si Saudi Prince Abdulaziz Bin Saud bin Naif at nakipagkita kay Duterte noong nakaraang buwan sa Malacañang.

Patuloy pa rin ang pagmamaltrato sa kabila na may mga nangangako na hindi na iyon mauulit. Ngayon ay pawang sa Saudi naman may nangya­yaring pagmamalupit. Hindi sinusunod ang kautusan ng Saudi Prince o baka naman gusto ring ipatigil muna ni President Duterte ang deployment ng workers sa Saudi gaya nang ginawa sa Kuwait. Bakit hindi subukan?

Related video:

AGNES MANCILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with