^

PSN Opinyon

Salamat Holcim!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BILANG Chairman at Pangulo ng Philippine Press Institute (PPI), nagpapasalamat ako sa building solution provider na Holcim Philippines sa walang sawang suportang ibinibigay sa mga programa ng PPI.  Ang PPI ay nagtataguyod ng mga seminars para sa mga mamamahayag na may kinalaman sa mga advocacy nito, kabilang na ang pangangailangan sa mga murang pabahay. Dito ay kabalikat natin ang Holcim.

Sa ngayon, tumutuong sa proyekto ng Habitat for Huma-nity Philippines Inc. ang Holcim para magtayo ng tribal village sa Marilog, Davao City, na pinopondohan ng Embahada ng Brunei Darussalam. Kamakailan, ang lugar ng mga katutubong ito ay malubhang napinsala ng bagyong Pablo at marami sa mga kababayan nating Matigsalug-Manobo ang naapektuhan at nangangailangan ng agarang saklolo.

Nagdonasyon ang Holcim sa proyekto ng may 142 tonelada ng semento para sa pagtatayo ng mga daan at iba pang pangangailangan sa konstruksyon ng mga tahanan sa Bgy. Baganihan. Tulung-tulong dito ang National Commission on Indigenous Peoples, BLGU-Baganihan, Matigsalug-Manobo Tribal People Council of Elders, Inc. na masugid na sinusuportahan ng pamahalaan ng Davao. Tinatayang makukompleto ang proyekto sa Hunyo ng taong ito.

Ayon kay Holcim Davao Plant Manager Xavier Kennedy, kaisa ang naturang kompanya sa napakadakilang layunin ng Habitat for Humanity na makapagtayo ng tahanan sa mga mahihirap at ibang nangangailangan. Nagpasalamat naman si Atty. Abdussabor Sawadjaan, Jr., Habitat’s Program Manager for Davao and Caraga Regions, sa tulong ng Holcim para sa kapakanan ng Matigsalug-Manobo tribe.

Matatawag na  culturally inspired ang disenyo ng proyekto na rumerespeto sa pakikipag-ugnayan ng Matigsalug-Manobo sa kalikasan. Plano ni Atty. Sawadjaan  na patuloy na makipagtulungan sa tribal community at sa kalaunan ay i-develop ang lugar upang maging isang magandang tourist destination sa bansa.  Huwag nang sabihin pa, sa ganitong paraan ay siguradong uunlad ang kabuhayan ng mga katutubo sa lugar na ito.

PHILIPPINE PRESS INSTITUTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with