Flakka para sa sira ulong adik
IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ang Flakka, zombie o devil’s drugs ay parang shabu ang itsura at hindi pala ito tabletas tulad ng ibinalita natin the other day.
Sabi nga, mali!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ORA MISMO, mas delikadong masinghot ng mga adik - adik sa Philippines my Philippines ang Flakka oras na nakapasok ito sa atin dahil para rin itong ‘shabu’ sa itsura pero mas mabagsik ang tama nito kapag umepekto na sa utak ng suminghot nito.
‘Mas wild ang makakatira ng Flakka o zombie drugs dahil hindi biro ito bukod sa nagha-hallucinate ang mga adik na sisinghot nito ay nag-iiba ang kanilang ugali na para bagang mga monster.’ sabi ng kuwagong hilo.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga nakaka-singhot ng Flakka o devil’s/zombie drugs ay tiyak na maba-bad trip oras na umepekto ito sa kanila at ang tama parang gusto na nilang magpakamatay.
Sa pagwawala ng mga nakatira ng Flakka iba-ibang character ang kanilang ginagawa andyan hinahabol o iniuuntog nila ang kanilang ulo sa mga windshiels ng mga tsikot oras na nag-trip ang naka-singhot nito. Malakas ang kanilang katawan kahit bugbugin sila at saktan ng todo sa pakiramdam nila ay ‘Iron Man’ ang naka - Flakka dahil hindi nila kayang kontrolin ang sarili nila kapag nakatira ng droga.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Flakka ay galing US of A at nakapasok na umano sa Sydney Australia kaya naman dapat na rin tayo sa Philippines my Philippines ay mag-ingat at tiktikan itong mabuti.
‘Dahil itsurang shabu ang Flakka malamang maraming lulong sa droga ang gumamit nito dahil mura itong mabibili.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Abangan.
MMDA takot sa Atoy Customs Work?
NATUTUWA ang madlang motorista porke maganda na ang takbuhan sa may Baclaran Church mula ng linisin ang mga vendors at basurahan dito with matching mga nakahambalang mga sasakyan nakaparada.
Sabi nga, maluwag na ang traffic.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dumaan sila sa nasabing lugar last Tuesday afternoon marami pa rin daw mga vendors at mga nakaparadang sasakyan ang nandodoon sa kalye at may ilang metro ang layo paglagpas ng isang lechon resto ay may gumawa pang terminal ng jeep kaya naman trapik pa rin todits.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda ang mga plano ni MMDA acting chairman Tim Orbos kung talaga isasapuso niya ang mga ginagawa niya at hindi dribble lamang tulad ng nangyari sa mga mabuhay lanes sa Kyusi.
Ika nga, for media purposes lang ang praise releases. Hehehe!
Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit umiilag ang MMDA at Kyusi traffic enforcers sa mabuhay lane ng West Avenue porke inaari ng ilang negosiante dito ang bangketa para gawin nilang talyer.
‘Ilan beses na itong ibinulgar ang Atoy Customs Work dahil parang nabili nila ang bangketa sa Kyusi government para doon mismo gawin ang mga dambuhalang mga trak at sasakyan.’ sabi ng kuwagong napailing.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naghihintay pa siguro ang MMDA at Kyusi government na may taong madisgrasiya porke sa kalsada ito naglalakad at hindi na magamit ang bangketa dahil ginawa na nga itong talyer.
‘Hindi natin ito tatantanan.’
Abangan.
- Latest