^

PSN Opinyon

‘Bistekville’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

 

Maraming gustong magkabahay kaya kapag nakakita ng pagkakataon at kaya naman ang pagbayad agad silang bumibili.

Isa ang misis ni Danilo Perez sa mga nagrereklamo tungkol sa pinasukang housing project sa Quezon City na umano’y proyekto ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista na Bistekville.

May ibang kaso silang isinampa sa mga nanloko sa kanila.

Ilan sa mga nagsampa ng kaso ay sina Gina Gimeno, Tehillah Joyce Gimeno, Elevito Povadora, Helen Galabo, Rosie Garcia, Rosemarie Demo, Cristy Demo at Jessica Demo.

Hunyo ng taong 2014 nang magpakilala sa kanila sina Dina Villanueva, Claribelle Diama at Analyn Golpo bilang mga miyembro ng Urban Poor Affairs Office (UPAO).

Sabi daw ng mga ito tauhan daw sila ng mga tauhan ng Quezon City Hall na sina Nestor Panlilio at Tady Palma. Nag-alok ang tatlo na bumili ng bahay sa Bistekville sa Novaliches, Quezon City na nagkakahalaga ng Php40,000 bawat isa. Sa ganda ng mga sinabi napapayag silang bumili.

Ika-10 ng Hunyo 2014 sina Rosie, Rosemarie, Cristy, Evelito, Jessica, Gina, Tehillah at Helen ay nagbayad ng kwarenta mil kay Villanueva sa SM Fairview sa magkaibang oras at bahagi ng lugar.

Bilang patotoo na nakapagbayad na sila ay nagbigay si Villanueva ng acknowledgement receipt. Php320,000 ang kabuuang halaga na nakuha sa kanila ni Villanueva nung araw lang na yun.

Tanging si Golpo at Diama lang ang nakapirma sa ibinigay na resibo. Nang tanungin nila ito paliwanag ni Villanueva na ang dalawa lang ang tauhan ng UPAO at siya ay ahente lamang.

Nangako si Villanueva sa kanila na pagdating ng ika-30 ng Hunyo 2014 ay makakalipat na sila sa mga bahay na binili pero hindi ito natupad.

Dumaan pa ang ilang buwan pero hindi pa rin sila nakakalipat. Nang tanungin nila ang tatlo ang sagot ng mga ito ay maghintay lamang sila.

Nagpasya na si Evelito na dumiretso sa Quezon City Hall pagdating ng Agosto 2014 para tanungin ang estado ng kanilang binibiling bahay.

Nakausap niya ang nagtatrabaho run na nagngangalang Nestor Panlilio. Itinanggi nitong kilala niya sina Villanueva at Golpo tanging si Diama lang daw ang kakilala nito at sinabihan pa silang na-iscam sila.

Kinausap nila ang tatlo at hiniling na ibalik na lang ang kanilang pera. Nangako ang tatlo na ibabalik ngunit hindi pa rin nila ito nababawi.

Oktubre 2014 nang huli nilang makita ang mga ito. Sa ngayon ay hindi na nila ito nakikita at hindi na nakokontak. Ang pinaghirapan nilang pera ay kasabay nang naglaho ng tatlo.

Kasong Estafa ang isinampa nila sa tatlong nanloko.

Sa pinagsama-samang reklamo naman nina Doroteo Barredo, Benjamin Zarate, Mario Marcos at Baltazar Dolor nakilala ni Doroteo si Villanueva sa kapwa senior citizen.

Nagpakilalang broker ng Bistekville si Villanueva. Sa kagustuhan din ni Doroteo na magkaroon ng sariling bahay ang pamilya kumuha siya.

Ayon kay Villanueva kailangan daw niyang magbayad ng processing fee dahil ina-award na ang mga  bahay sa Bistekville.

Ika-pito ng Mayo 2014 sa SM Fairview nagbayad si Doroteo. Kasama ni Villanueva sina Diama at Golpo na nagpakilalang nagtatrabaho sa UPAO. Binigyan din siya ng acknowledgement receipt sa kwarenta mil na ibinigay niya. Pirmado ito ni Golpo at Diama.

Ika-14 ng Mayo 2014 nang makipagkita ulit siya para naman magbayad ng Php160,000 para sa apat na unit na kanyang kinukuha. Nasundan pa ito ng kwarenta mil nung Hunyo 9, 2014 at tulad ng nauna may acknowledgement receipt din na binigay.

Nangako ang mga akusado sa kanya na makakalipat na sila sa Bistekville nung buwan ng Hunyo 2014 pero wala namang nangyari.

Si Benjamin Zarate ay nakilala din si Villanueva sa kapwa senior citizen. Php80,000 naman ang kabuuang naibigay nila para sa dalawang unit. Kasama niya ang kanyang anak nung makipagkita sa mga akusado.

Pare-pareho ang naging istilo ng mga akusado sa iba pa nilang naging biktima hanggang sa hindi na nila ito makontak. Sumulat din sila sa UPAO upang malaman kung nagtatrabaho nga ba doon ang tatlo

Pebrero taong 2015 nang bigyan naman sila ng sulat ng namumuno ng UPAO na si Ramon Asprer at sinabing ang mga ito ay hindi nagtatrabaho sa kanilang tanggapan.

Bukas naman daw ang kanilang opisina para sila’y makausap kung ano man ang naging problema sa mga pangalang kanilang nabanggit.

Sa kontra-salaysay na ibinigay ni Villannueva pinabulanan niya na nagtatrabaho siya sa UPAO at naging konektado lang siya sa dalawa dahil naging ahente siya ng Bistekville. Hindi din daw siya otorisadong tumanggap ng bayad. Sabi daw ni Diama at Golpo ang pera ay ibinibigay nila kay Nestor Panlilio na mula sa UPAO.

Si Panlilio daw ang nagsabi na magrecruit sila ng mga ahente at isa siya sa umaasa na makakakuha ng unit sa mas mababang presyo.

Sa isinagot na ito isinama ng mga nagrereklamo si Panlilio sa kinasuhan dahil lahat ng elemento ay nakita.

Itinanggi din ng mga akusado na nagtatrabaho sila sa UPAO. Nilinaw din niya ang ang partisipasyon ni Panlilio.

Sa rejoinder ni Villanueva idiniin niya na hindi siya nagpanggap na empleyado ng UPAO at hindi siya tumanggap ng pera mula sa mga complainant.

Sa resolusyon na inilabas noong Enero 28, 2016 ni Asst. City Pro-secutor Maribel Mariano-Arriola hindi nagpakita sina Golpo at Diama. Matapos ang masusing pagtimbang sa mga ebidensyang nakalap, nakitaan ng ‘probable cause’ ang lahat ng akusado.

Kahit pa sinabi ni Villanueva na hindi siya nagpanggap na nagta-trabaho sa UPAO, siya pa din ang nagkumbisi para bumili ang mga ito. Nakilala ng mga nagreklamo sin Golpo at Diama dahil kay Villanueva.

Nagpagsisinungalingan din ang sinabi niyang inutusan lamang siya dahil pumirma siya sa acknowledgement receipt at promissory note.

Ang pagsasampa ng reklamo Panlilio ay iba nang kaso.

Unang araw ng Disyembre 2016 nang maglabas ng warrant of arrest laban kina Villanueva, Diama at Golpo. Pirmado ito ni Presiding Judge Lita Tolentino-Genilo sa kasong Estafa.

Nagtakda ng kwarenta mil bawat tao para sa pansamantala nilang paglaya.

Ang mga senior citizen na biktima ay hindi naman magbibigay ng kanilang mga pinaghirapang pera o natanggap bilang retirement pay kung hindi dahil kay Villanueva.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

DANILO PEREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with