^

PSN Opinyon

Salita ni Duterte pinagtatalunan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MGA senador ang unang naghinala na ni-rubout ng mga pulis si narco-mayor Rolando Espinosa habang nakakulong sa Leyte. Kataka-taka raw kasi na imbis na kausapin na lang ang jail warden, kumuha pa ang mga pulis ng search warrant sa pagkalayo-layong huwes, at saka ni-raid ang selda nang madaling araw. Nauna pang tumawag ang pulisya ng scene-of-crime investigator bago ang patayan. Motibo umano na patahimikin si Espinosa, na 226 narco-politicos at narco-cops ang sinusuplong. Batay du’n inalis muna sa puwesto si Supt. Marvin Marcos­ habang sinisiyasat.

Humalaw pa ng mga testigong preso ang NBI. Pahayag ng mga ito na pinatay muna ang ilaw sa selda ni Espinosa bago ito barilin. Pahayag din ng jail guards na dinisarmahan at pinaluhod sila na nakaharap sa pader. Hindi raw pinataas ng kamay si Espinosa para hindi makapanlaban mula sa pinagkukulungang selda.

Naging kontrobersiyal ang pagbalik kay Marcos sa puwesto, sa utos ni President Rodrigo Duterte. Inutos daw niya ito bilang Punong Ehekutibo na namamahala sa pulisya.

Ibinalik niya sa puwesto si Marcos umano para mas mamanmanan ang mga kilos. Hindi niya raw kailangan magpaliwanag kanino man.

Bakit daw kinakampihan at kina-aawaan si Espinosa na milyon-milyong kabataan ang inilulong sa droga. Winasak daw ni Espinosa ang kinabukasan ng mga adik.

Tinatanggap niya raw ang pasya ng NBI na ihabla sina Marcos ng murder. Pero ipagtatanggol niya pa rin sina Marcos. Kasi raw sumusunod lang ang mga pulis sa utos niya. Malinaw umano ang utos na ito: tugisin ang mga drug lords. At patayin sila kapag nanlaban ang mga kriminal at napanganib ang buhay nila.

Kayo ang magpasya kung sino ang nasa tamang katwiran.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ROLANDO ESPINOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with