^

PSN Opinyon

‘Crystal ball analysis’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang pagkakaiba ng pag-aanalisa sa komentaryo.

Analysis, base sa katotohanan, mga totoong pangyayari at totoong kaganapan. Komentaryo, base sa sari-ling pakahulugan, pangamba, espekulasyon at pananaw.

Mag-ingat sa inyong mga napapanood, napapakinggan at nababasa. Marami kasing mga nagsasalita at nagsusulat na ang basehan imahinasyon lang.

Puro negatibo ang sinasabi. Wala pa man, alam na nila. Nangangalakal ng takot at pangamba sa mga tao.

Parang mga manghuhula. Nakasalalay ang kanilang sinasabi sa sarili nilang pakiramdam. Tawag dito, crystal ball analysis.

Lalo na sa mga binibitiwang soundbytes ngayon ng Presidente sa pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa mga dayuhang bansa. Pati nga mismong US nataranta sa kanyang mga pahayag.

Sabi ng mga nagko-komentaryo, kapag hindi pa raw itinigil ng Presidente ang tirada sa US, maraming business processing outsource ang aalis sa Pilipinas. Marami ang mawawalan ng trabaho.

Wala pa ngang ginagawa si President Duterte inuunahan na. Hintayin muna ang resulta ng mga sinabi ng pangulo bago magsalita o magkomentaryo.

Problema, puro soundbytes pa nga lang ang mama sa Palasyo ini-interpret at binibigyan na agad ng sariling mga pakahulugan.

Isinasalarawan na nila agad ang magiging kahihinatnan base sa nai-imagine nilang senaryo at sitwasyon.

Hindi ako enabler ng Malacañang lalo na ng Presidente. Ito ay pag-aanalisa lamang sa buong larawan at sa serye ng mga kaganapan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

CRYSTAL BALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with