^

PSN Opinyon

Marami nang nabuburyong

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PANAHON na para paghandaan ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at National Bureau of Investigation ang epekto nang kakapusan ng illegal drugs. Marami nang adik ang nabuburyong dahil wala na silang pagkukunan ng droga at kung mayroon man, napakamahal sa patagong bentahan. Kaya hindi kataka-taka na marami pa ang malalagas sa hanay ng pushers at user  at maging otoridad sa kalye sa pakikipag-engkuwentro sa mga pulis. Dapat din na mag-ingat ang mga awtoridad sa pagsagawa ng “tokhang’ at buy-bust operation dahil kapit sa patalim na ang pushers­/users­ na nawalan ng hanapbuhay at sinisinghot na droga­ kaya mga armado na ang mga ito.

Ang masakit nito unti-unti nang nagbabalikan ang krimen sa kalye dahil ang mga nawalan ng hanapbuhay ay luminya na naman sa panghoholdap, katulad sa panghoholdap ng apat na holdaper sa isang pampasaherong bus sa EDSA noong Sabado. Tinadtad naman ng saksak ang isang estudyante matapos na hindi nito ibigay ang Napshock sa dalawang holdaper na adik. Noong Biyernes lamang sa Malabon City ginahasa at pinatay ng isang adik na pedicab drayber ang pitong taong gulang na bata sa loob ng Tugatog Public Cemetery. Samantalang noong Sabado ng hapon sa Dasmariñas City, Cavite, napatay ng mga pulis ang isang bangag na hostage taker matapos nitong saksakin ang mga biktima.

Ilan lamang iyan na dapat na maging eye opener sa mga pulis, sundalo at NBI dahil ang epekto ng droga sa ngayon ay nagiging malupit na sa mga adik. Tunay na epektibo ang kautusan ni President Duterte kay PNP chief Dir. Gen Ronald dela Rosa sa pakikipaggiyera sa droga dahil naging payapa ang kapaligiran noon. Subalit ngayon na kapos na ang suplay ng droga sa kalye unti-unti na itong nagiging mapanganib. Bayolente na ang mga adik. Kaya dapat na apurahin ni Duterte ang pagpapagawa ng mga rehabilitation center upang maihiwalay na itong mga adik sa lipunan at mapagbago na sila sa kanilang bisyo. Dapat din mag-isip ang Duterte administration na mabigyan ng hanapbuhay ang nawalan ng trabaho ng maging responsableng Pinoy sila sa hinaharap. Hindi naman kaila sa sambayanan na milyon pa ang adik sa kapaligiran kaya dapat lamang na maging alerto ang PNP, AFP at NBI upang mapigilan ang krimen.

Samantala hindi lamang pagpapaputok ng baril ng isang PO3 sa inuman ang inirireklamo nitong mga residente ng AFP/PNP Housing, Ciudad Adelina, Trece Martires, Cavite kundi maging ang baho ng amoy ng baboy. Ayon sa aking “tipster” ang pulis na nagpapaputok ng baril tuwing nalalasing, ay may mga alagang baboy na umaalingasaw ang baho sa kapaligiran ng housing. Binabalewala ito ng kanyang mga kapitbahay dahil kabaro siya subalit may ilang hindi nakakatiis sa putok ng baril at baho ng baboy. Ipinararating nila ito kay Trece Martirez Police chief Supt. Egbert Tibayan at City Health Office. May bayag kaya si Tibayan? Maging ang pagbenta at pagpapaupa sa mga unit ay nais din nilang ipaalam kay PNP chief  Dela Rosa upang matigil na ang katusuhan ng ilang pulis at sundalo sa housing project. Para sa inyong pagsusumbong at paglilinaw, mag-email sa [email protected].

BENING BATUIGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with