^

PSN Opinyon

Leni, nangunguna na

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

“YUNG totoo lang sana!” Ito ang mensahe at hamon ni Liberal Party Vice Presidential bet Congresswoman Leni Robredo sa mga magtatangkang gibain ang kanyang umuusbong na popularidad, ilang linggo bago ang eleksyon sa May 9, 2016. Si Robredo ang nanguna sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) Mobile Survey na ginawa noong Abril 14 sa labanan sa pagka-bise presidente kung saan nakakuha siya ng 30-percent ng voter preference. Ayon kay Robredo, hindi kailanman pumasok sa isip ng mga katunggali niya itong pag-angat. Kung kaya ngayong siya na ang nangunguna sa survey, inaasahan na niya ang mga batikos o black propaganda na ipupukol laban sa kanya.

“Actually nag-umpisa na sa “social media” ang paninira at intriga. Ganon pala iyon mga suki! Basta makasira lang gagawin ng mga kalaban. He-he-he! 

Pero, hindi umano natitinag si Robredo sa mga putik na inaasahan niyang ibabato laban sa kanya dahil wala naman siyang itinatago.

“Siguro nakakabuti rin na wala naman talaga tayong tinatago kasi kung wala tayong tinatago hindi naman tayo maaapektohan niyang black propaganda. “Kasi ang paniniwala naman natin, kapag hindi totoo, hindi naman mag-iistick,” pahayag ni Robredo. Nakatulong umano sa pag-angat sa survey ang awareness o paglutang niya sa publiko gaya sa telebisyon, pagdalo sa mga sorties at maging sa debate kaya nakikilala na siya ng mga tao.

Malaking ambag din umano ang sinseridad na naki­kita ng mga tao sa kanya lalo na kapag naninindigan na sa mga isyu partikular na sa mga isyung direktang may kinalaman sa mga mahihirap. “Kung titingnan natin ang numbers, ang pinaka-disadvantage ko talaga is awareness. Parang kakaunti talaga ang nakakakilala sa akin. Pero kapag nakikilala na ako, nakikita sa TV, nakaka-attend sa aming sorties, parang iyong conversion mataas. So iyon din siguro ang suwerte”. Pero kahit masaya umano siya sa pagiging number 1 sa survey, aminado si Leni na hindi pa rin siya dapat magpaka-kampante. Nagbibigay itong survey ng  mas maraming inspirasyon at lakas loob sa napakaraming volunteers na talagang very tireless ang efforts na kumakapanya kay Robredo. “Hindi dahilan para magkampante kasi may tatlong linggo pa bago ang eleksyon. Marami pang pwedeng mangyari sa tatlong linggo”. 

Bagamat nakilala si Leni dahil sa kanyang yumaong asawa na si dating DILG Secretary at Naga City Mayor Jesse Robredo, nakagawa na rin si Leni ng sarili niyang pangalan sa pulitika. Patunay dito ang mga inakda niyang panukala gaya ng pagbuo sa Agrarian Reform Commission na layong imbestigahan ang pagpapaikot at paglabag sa Comprehensive Agrarian Reform Law, National Food Security Bill of 2015, Anti-discrimination Bill of 2013, People’s Participation in Budget Deliberation Bill, People Empowerment Bill of 2014, Full Disclosure Bill at ang Freedom of Information Bill. Pero bago pa siya pumailanlang sa pulitika, aktibo na si Leni sa pagtulong sa mga mahihirap. Bilang abogada, ipinagtanggol niya ang Sumilao Farmers na nagmartsa patungong Metro Manila mula Mindanao para hilinging pigilan na maconvert ang 147-ektaryang lupain sa kanilang lugar patungong hogfarm.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with