^

PSN Opinyon

‘Sari-Sari Store’ type management

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WALANG ibang dapat sisihin sa kapalpakan ng Social Security Services (SSS) si Pangulong BS Aquino lang.

Kaya nagkakawindang-windang ang operasyon ng ahensya dahil ang mga tumatao politically appointed o inupo lang dahil malapit sa pangulo.

Walang alam at hindi naiintindihan ang mataas at de-kalidad na pamantayan ng pangangasiwa at pamamahala. Ninanamnam lang ang posisyon. Matatapos na ang anim na taon ‘ala mga nagawa.

Sa halip na pag-aralan ang pagkakamali ng mga nakaraang administrasyon, estado ng pananalapi sa kasalukuyan at ang mga ilulunsad na programa para mapaganda ang sistema ng SSS, ang mga sangkaterbang tamad nagpapalaki lang ng tiyan.

Walang makitang inilatag na mga plano at programa. Walang financial projections. Walang maayos na matrix ng mga pensyonado. Hindi inalam ang bilang ng mga retirees. Noon palang dapat napag-aralan na ito para masiguro ang kapakanan ng mga matatandang pensyonado na umaasa sa kanilang pensyon.

Hinggil ito sa panukalang P2,000 dagdag sa tinatanggap ng mga retiree  na agarang “i-ve-neto” o tinanggihang pirmahan para maging ganap na batas ni Pangulong Aquino.

Baka raw kasi maubos ang pondo ng SSS at magkautang pa ang gobyerno sa mga susunod na taon kung itataas ang buwanang pensyon.

Kung ang conditional cash transfer (CCT) na libreng ayuda sa mga mahihirap na ipagmamalaking nagawa niyang ‘perpekto’ na ayaw ibigay ang kredito kay dating Pangulong Gloria Arroyo, ang SSS benefits na buwanang hinulugan ang kontribusyon ng mga pensyonado, ayaw niyang bigyan ng atensyon.

Dito, maliwanag na makikita ang kawalang-pakialam at pagiging insensitibo ni PNoy.

Ang mali ng pangulo sa pag-veto, umasa lang siya kay Emilio De Quiros na akala mo namamahala ng “SSS” o ‘sari-sari store.’

Wala man lang narinig na pagpapaliwanag. Bagkus ang kaniyang ginawa, ni- reject agad.

Nagbigay man lang sana ng konsiderasyon si PNoy na pag-aaralan muna niya ang House Bill 5842 kasama ang kanyang mga Gabinete partikular ang mga namamanahala sa SSS.

Hindi man maipasa sa kanyang patapos nang termino ang panukala, sisimulan niya itong ayusin pabor sa mga retiree at sa gobyerno at ii-endorso sa susunod na administrasyon.

Hindi ‘yung bababa nalang sa pwesto puro kapangitang-asal at ugali pa ang ipinapakita sa mga “boss.”

Kaya nga lalo lang akong nakukumbinsi at sumasang-ayon sa sinabi ni Sen. Antonio Trillanes, walang management skills si President BS Aquino.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ACIRC

ANG

ANTONIO TRILLANES

AQUINO

EMILIO DE QUIROS

HOUSE BILL

KAYA

LANG

MGA

NBSP

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with