^

PSN Opinyon

Wala pang 2 linggo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA pang dalawang linggo ang 2016, tila marami na ang nagaganap sa mundo na binabantayan ng halos lahat nang bansa. Una nang napag-usapan ang tensyon sa Middle East sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran, bunsod ng pagbitay ng Saudi Arabia sa kilalang Shiitie na cleric na si Nimr al-Nimr. Sumagot ang Iran sa pagsa­lakay sa embahada ng Saudi Arabia sa Tehran. Pinaalis naman ng Saudi ang mga tauhan ng embahada ng Iran sa kanilang bansa. Nagkaroon ng kampihan sa rehiyon. Sa ngayon, tila naghihintayan kung ano ang susunod na kilos ng magkatunggali.

Nagpasabog naman ng H-bomb ang North Korea. Ayon sa marami, kung may bansa na hindi dapat magkaroon ng mga sandatang nuclear, ito ay ang North Korea. Pero nagpasabog na nga ng bomba, kilos na pasikat at babala na rin sa buong mundo, lalo na sa kanilang kapitbahay na bansa, ang South Korea. Hindi pa rin opisyal na tumigil ang digmaan ng dalawang bansa na naganap noong 1950-1953. Parang kasunduan lamang na hindi magpuputukan. Pero sa mga taong lumipas, palaging naggigirian ang dalawang bansa. Kailan lang, may lumipad na B-52 bomber ng Amerika sa South Korea. Pahiwatig na kakampi pa rin nila ang South Korea at kontra-babala na rin sa North Korea. Ang B-52 ay maaring magdala ng mga nuclear na bomba. Kung ano ang sagot naman ng North Korea sa kilos na ito ay inaabangan.

Dito naman sa atin, patuloy ang paglapag ng mga eroplano mula China sa mga paliparan na itinayo sa mga artipisyal na isla na pinagtatalunan pang ilang bansa. Una nang nagreklamo ang Vietnam na sinegunduhan naman ng Pilipinas. May mga maanghang na pahayag din mula sa Amerika at UK, hinggil sa kalayaan ng mga himpapawid sa rehiyon. Ano ang gagawin ng China kung ang mga eroplanong pandigma na naka-station na sa Fiery Cross Reef at may mga eroplanong lumilipad malapit sa kanila?

Ito ang mga maiinit na kaganapang sumalubong sa 2016. Lahat binabantayan ng mundo kung ano ang susunod na mangyayari. Sana naman ay maayos din ang lahat. Maraming Pilipino sa Middle East. Sa halip na naglabas ng pahayag ang gobyerno na handa silang tulungan ang ating mga kababayan kung sakaling sumama ang sitwasyon, mawawalan naman sila ng trabaho kung sakali. Kaya mas maganda kung maayos na lang. Hindi ko naman alam kung anong magagawa ng mga umaalmang bansa sa ginagawang paglapag ng mga eroplano sa Fiery­ Cross Reef, kung puro reklamo lang. Alam na natin na walang pakialam ang China kung mga reklamo lang ang haharapin nila. Magpalipad din kaya ang Amerika ng eroplanong pandigma sa karagatan?

ACIRC

AMERIKA

ANG

BANSA

KUNG

MGA

MIDDLE EAST

NAMAN

NORTH KOREA

SAUDI ARABIA

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->