^

PSN Opinyon

Ang Pasko para sa kanila

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

TULUY-TULOY ang buhos ng ulan simula pa Biyernes ng hapon hanggang kahapon dito sa Davao City at mga karatig lugar nito  dulot ng isang Low Pressure Area na dati ay pinangalanang Bagyong Onyok.

Hindi naman gaano ka-lakas ang ulan ngunit ang walang patid na pagbuhos nito ang nakakabahala na lalo na para sa may ilang libong pamilyang Lumad na nandito ngayon sa Davao City upang magdiwang ng Pasko.

Ang mga Lumad na ito ay dala-dala rin nila ang kanilang mga anak na ang babata pa.

Kasi nga sa sobrang dami nila nag-uumapaw sila sa mga barangay halls at gymnasiums na pangsamantala nilang tirahan habang nandito sila upang mag-caroling at humingi ng pamasko.

Kaya may ilan sa kanila ay nakitulog na rin sa harap ng mga tindahan o establishments kung saan sila puwedeng makisilong at makitira pansamantala.

Ngunit inaalagaan naman sila ng local government ng Davao City habang nandito sila sa siyudad.

At pinapahatid naman sila pauwi ng city goverment sa kani-kanilang barangay sa labas ng siyudad  pagsapit ng tamang panahon o bago ang December 25 para sa kani-kanilang bahay na sila abutan ng Pasko.

Taimtim kong pinagdarasal sa Poong Maykapal na sana sila ay bigyan ng maayos na buhay at ng sa ganun ang kanilang mga susunod na Pasko ay walang kasing sagana na hindi na nila kailangang bumaba pa rito sa siyudad upang mamasko.

vuukle comment

ANG

BAGYONG ONYOK

BIYERNES

DAVAO CITY

KASI

KAYA

LOW PRESSURE AREA

LUMAD

PASKO

POONG MAYKAPAL

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with