^

PSN Opinyon

Madilim ang kinabukasan ng 19-M functional illiterates

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG salitang “kinabukasan” ay nangangahulugang “pag-asa”. Sinasalamin ang bukang-liwayway, ang unang sikat ng liwa­nag, panibagong buhay.

Pero madilim ang kinabukasan ng 19-milyong functional illiterates. Sila ang 21 percent ng high school graduates nu’ng taong 2019-2024. Edad 18-23 na sila ngayon.

Nahihirapan sila humanap at magtagal sa matinong trabaho. Hanggang mabababang sweldo lang sila. Mahina ang utak at katawan.

Ang masaklap du’n ay kung magkaanak ang babae’t lala­king functional illiterates. Lalaking mangmang din ang sanggol nila. Hindi na makakaahon mula sa hukay.

Nasa panahon na ang mundo ng space travel at artificial intelligence (AI). Ang mga kabataang matatalino ay lumilikha ng mga murang space-launching rockets at shuttles, mga lumilipad na kotse, at mga kagamitang nagpapadali sa buhay ng tao. Marunong sila gumamit ng AI para sa imbesyon, pagkalkula, pag-alam at gamot ng sakit, pagpalago ng agrikultura at kabuhayan.

Hindi makakahabol ang 19-milyong fuctional illiterates. Marunong lang sila bumasa sa English o Pilipino, pero hindi naiintindihan ang simpleng kwento o kahulugan. Edi lalo na ang komplikadong calculus, physics, geometry, engineering, o panitikan.

Hindi ‘yan ang kapalarang dinisenyo ng Diyos para sa kanila. Nais ng Diyos ang kasayahan, kalusugan, at kapanatagan ng bawat isa. Problema nga lang ay may mga pulitikong nandadambong ng pondo para sana sa nutrisyon, edukasyon, at kapakanan ng kabataan.

Maiisip kaya ‘yan kung ang buhay ay isang kahig, isang tuka?

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

KINABUKASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with