^

PSN Opinyon

Kampanya ng MPD sa droga, kulang!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NABULABOG ang mga adik sa Maynila nang pakawalan ni MPD director C/Supt. Rolando Nana ang mga nagtatabaan niyang “musang” este pulis. Kasi nga sabay-sabay na naglunsad ng “One Time, Big Time” operation ang 11 police stations ng MPD kasama ang District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force kaya naglundagan na parang mga daga ang mga adik at kriminal sa namamahong lungsod ni Erap. Ang masakit mukhang mga buraot ang mga naaresto ng mga “patabaing musang” ni Nana upang maipakita lamang kay Erap na nagtatrabaho sila. Hehehe! Ito na kaya ang kasagutan sa kautusan ni Erap na All Out War Against Drugs o paglilihis lamang sa mga Manileños sa  katotohanan na may ilang pulis ang patong sa drugs activities sa Maynila?  Kasi nga kung babasehan itong mga usap-usapan malinaw na kulang ang kampanya ng MPD sa ipinagbabawal ng droga at pusakal sa Maynila. Nitong mga nagdaan araw ay sunud-sunod na sinalakay ng Quezon City Police District-District Anti-Illegal drugs (QCPD-DAID) at NBI ang Sampaloc at Quiapo kung saan nakahuli ng matatabang isda at bultuhang shabu subalit sa operasyon ng MPD puro biya ang kanilang nasasambot.

Patunay ito na nagpapabaya ang mga pulis ni Nana sa paglipana ng drug lord, drug pushers at users sa kalye. Kasi nga ang mas pinagkakaabalahan ng mga “dayukdok na musang” ni Nana ay ang pangungulekta ng intelihensya sa mga putahan, sugalan at sidewalk vendors dahil hindi ito lumalaban ng patayan. Kahit itanong pa ni Nana yan kina retired police Eric Shornack, Ronald Bautista, alias “Onay”  Antonio Cruz, Gerry Garcia, Noel Gallevo, alias “Kokoi” Facifico Wong, alias “Hong Fei Wong”, Jimmy Soriano, Bebeng Hikaw, Ricky at Padilla na nagdadala ng grasya sa MPD headquarters, DPS at TFOV. At upang mailihis ang kabalbalan ng mga kolektors nagpakitang gilas naman ang mga alipores ni Nana upang mapaniwala si Erap. Sa kabutihang palad may accomplishment din namang naipakita ang Raxabago-Tondo Police Station (PS-1) sa Manileños nang maaresto sina Roberto Adluan, alias “ Unong”, Felix Erese, alias “ Jon-Jon Komang”, Toto Escobar, Roberto Romana, Gerald Bautista, Aries San, Binzon Macuray at Arnold De Guzman, subalit hindi nabubura sa isipan ng aking mga kausap ang pagsauli ng apat na pulis ni Col. Ulsano ng datung sa isang binangketang drug offender ng Tondo sa harap mismo ni Maj. Riparip ng General Assignment Section. Tiyak na kakalat ang pasiklab ni Ulsano sa mga hao shiao ng MPDPC na walang 20%. Subalit kung paglilinis lamang ng namamahong imahe ng Raxabago-Tondo Police Station ang pag-one time big time, makatotohanan naman ang isinagawang pananalakay ng iba pang police station ni Nana. Iyan ang inyong abangan mga suki!

ACIRC

ANG

ANTONIO CRUZ

ARIES SAN

ARNOLD DE GUZMAN

ATILDE

ERAP

KASI

MAYNILA

MGA

RAXABAGO-TONDO POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with