^

PSN Opinyon

Human rights stand ni Grace suportahan!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HUWAG mabahala ang mga supporters ni Presidential bet Grace Poe. May tsansa pa siya sa Korte Suprema para mabaliktad ang pagbasura ng COMELEC sa kanyang CoC kaya hindi pa siya dapat ituring na laglag sa labanan. Matapos kanselahin ng COMELEC ang kanyang Certificate of Candidacy (COC), pinayapa ni Poe ang kanyang mga supporters sa planong iboykot ang eleksyon. A true mark of statesmanship par excellence. Naniniwala ako na iiral ang espiritu ng batas sa SC at kilalanin si Poe na natural born Filipino na may karapatang tumakbo sa pagka-pangulo o iba pang public office.

Isa kong hinahangaan kay Poe ay ang paninindigan niya para sa karapatang pantao. Iyan ang kailangan nating Pangulo. Hindi yaong inilalagay ang batas sa sariling kamay.

Sa kanyang pahayag sa pagdiriwang ng International Human Rights Day, di man direktang inupakan ni Poe si presidential bet Rody Duterte, sinabi niya na: ‘‘Ang sino man umaabuso sa  karapatan ng tao ay hindi dapat mamuno sa bansa.” Tama. Para saan pa ang judicial system kung ang iiral ay dark justice. Iginiit ni Poe na ang Pangulo ay dapat gumalang sa karapatan ng lahat ng tao. Si Duterte ay umaming personal na pinapatay ang mga taong sa paniniwala niya ay pusakal na criminal. Wala nang batas-batas at husti-hustisya. Siya na ang sumisentensya sa mga criminal at iyan ay hindi niya itinatanggi.

Iginiit ni Poe na dapat italaga ang isang Pangulong  rumerespeto sa karapatan ng taumbayan sa lahat ng sirkumstansya. Mayaman man o mahirap at ano man ang antas sa buhay!  Bilang Alkalde ng Davao City, marami sa  mga kritiko ni Duterte ang umano’y iniligpit ng death squad sa Davao City kasama na ang mga drug pushers at iba pang criminal. Mahirap palang maging komentarista laban kay Duterte at baka hindi ka na sikatan ng araw!

Ani Poe, ang human rights ay para sa lahat  at walang dapat maiitsa-puwera o maiiwan. Kung may mga nagkakasala, isang epektibo at malinis na justice system na walang bahid ng korapsyon ang kailangan.  Napansin ko lang, sino sa mga presidential candidates na kalaban ni Duterte ang matinding bumatikos sa maverick mayor? Wala yata kundi si Grace Poe lang. Oo nga. Ang kanya g pahayag laban kay Duterte ang  dahilan kung bakit nangingibabaw siya sa ibang katunggali sa presidency.

ANG

ANI POE

BILANG ALKALDE

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DAVAO CITY

DUTERTE

GRACE POE

IGINIIT

MGA

POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with