‘Tiwala sa mga namumuno’
NABABALOT ng iba’t ibang isyu at kontrobersiya ang administrasyon.
Kabi-kabila ang batikos ng publiko sa nakikita nilang iregularidad, kapalpakan, kapabayaan at kaburaraan.
Sa social media, makikita at mararamdaman ang pagkadismaya ng mga overseas Filipino workers. Kinokondena ang mga nangyayari sa Pilipinas.
Andyan ang tanim-bala, isyu sa Balikbayan box, isyung korupsyon sa mga departamento ng gobyerno, maano-malyang paggasta sa kaban ng bayan at ang tumataas na kriminalidad.
Andyan din ang mga isyung pangungunsinte ni Pa-ngulong Noy Aquino sa kaniyang mga gabinete. Pagta-takipan sa mga pagkakamali at pagtuturo ng sisi.
Ngunit sa kabila ng mga panawagan ng mga “boss” manhid ang administrasyon sa pagpataw ng parusa sa mga dapat managot sa mga kapalpakan, kapabayaan at kaburaraan.
Sa mga nakaraang pahayag ni PNoy habang kasagsagan ng iba’t ibang isyu at kontrobersiya diretsahan niyang sinabi, ipagpatuloy daw ang tiwala sa kaniya.
Ipagpatuloy ang tiwala sa kaniyang administrasyon. Ipagpatuloy ang tiwala sa mga ginagawa nilang reporma. Hindi daw ito“personal gain” bagkus para sa kapakanan ng nakararami.
Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi sa aking programa sa telebisyon at radyo maging sa kolum na ito, hindi hinihingi ang tiwala.
Ang tiwala ay nakakamtan base sa nakikitang resulta ng gawa o kinahinatnan ng gawa, sa mga ikinikilos at sa pananalita ng kung sinumang nagsasalita.
Hindi nangangahulugan na kapag ang isang personalidad in-appoint o inilagay o iniluklok sa pwesto, dapat nang pagtiwalaan.
Anuman ang nakikita ni Juan Dela Cruz, tumpak man o palpak, magiging basehan ng kaniyang persepsyon, tiwala at respeto.
Ito ang magiging pundasyon ng integridad ng isang indibidwal o namumuno.
Pinupukaw ng BITAG Live ang taumbayan, sa mga naglalabasang isyu suriing maigi ang sinasabi ng mga nasa harap ng kamera at mikropo sila man ay nakaupo o may ambisyong umupo para mamuno.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest