Resign Honrado - solons
HINDI biro ang panawagan ng mga kongresista na lumayas na bilang pinunong abala este mali ng MIAA si Bodet Honrado dahil nagpabaya ito sa mga sindikato ng ‘tanim-bala’ sa NAIA.
Sabi nga, for command responsibilities ‘alis-dyan.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iimbestigahan nila sa Kamara ang nangyaring katiwalian sa binansagan NAIA ‘worst airport’ in aid of legislation.
Sinasabing sinisira ni Honrado diumano ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa hindi nito agaran pag-aksyon sa ‘tanim - bala’ incident.
Abangan.
Fishkill sa Quezon
IBINULONG ng mga assest ng mga kuwago ng ORA MISMO, almost a week ago up to now nang magsimulang matigok ang mga isda at iba pang lamang dagat sa mga bayan ng Padre Burgos,Pagbilao, Agdangan at Unisan sa probinsiya ng Quezon.
Bakit kaya?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nababahala na ang mga mangingisda at lubos ng nalugi ang mga nagmamay-ari ng fishponds, fishpens at fishcages.
Sabi nga, namatay na ang lahat na alaga nilang mga isdang lapu-lapu, pampano, samaral, sugpo at alimango?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kanilang mga alagang bangus ay halos araw-araw na ring namamatay at nangangayayat dahil hindi na umano makakain ito.
‘Ang lokal na namamahala sa Bureau of Fish and Aquatic Resources, ay patuloy na naghahanap ng dahilan at solusyon sa problema pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang kadahilanan, araw - araw nagsasagawa ng “water sample test” kaya lang hindi pa rin “conclusive” ang resulta.’ ayon sa kuwagong haliparot.
Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga langgam este mali agam-agam pala ang mga residente na ang maaaring dahilan ay ang pagpapalabas diumano ng nakakamatay na kemikal mula umano sa Hopewell Power Plant, sa bayan ng Pagbilao?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natatandaan daw ng nakakaraming mamamayan doon na noong taon 1998 ay napatunayan na ang nasabing planta diumano ay nagpalabas ng ganitong nakakamatay na kemikal at diumano’y nagbayad din daw ng kaukulang “damages” ang mga apektado nito?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinasabing diumano ng BFAR doon na matagal pang malaman ang resulta kung may kontaminasyon diumano ang tubig ng “heavy metal” na maaaring manggaling umano sa planta.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa pa lang ang nadiskubre nila, at ito ang nakita nilang sabog ang laman loob ng iba’t-ibang uri ng isda mula sa dagat at fishcages.
‘ANG isa pang hindi maiiwasan ay ang pagkalugi ng milyun-milyong puhunan ng mga may-ari ng mga fishponds at fishcages na napakahirap ng bawiin.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala diumano ang mga matatanda na nagalit na ang kalikasan dahil sa walang humpay na paggamit diumano ng dinamita kaya unti - unting namamatay ang mga inaalagaan nila sa karagatan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan makalampag si DA Secretary Procy Alcala para siya ang magbigay ng utos sa BFAR para sa isang mabilisan imbestigasyon upang masolusyunan ang problemang nararanasan ng mga mangingisda dito.
Abangan.
- Latest